BUKOD sa pagiging sweet ay napakapilya ni Osang.
Pinakita niya ang kanyang damdamin sa inyong lingkod di lang sa salita kundi sa gawa.
Nasabi ko na sa nakaraang column na siya mismo ang nagdadala ng 12 roses and box of chocolates sa inyong lingkod noong kami pa.
Di siya nahihiyang sabihin sa akin sa harap ng aking staff habang inaabot niya ang roses and chocolates, “Thank you for last night. I enjoyed every second of it.”
Walang papantay kay Rosanna Roces sa kapilyahan.
Minsan ay pinaturuan ko siyang bumaril sa aking coach na si Perry Punla sa shooting range ng New Bilibid Prisons compound sa Muntinlupa.
Ang aming mga “pulot boys,” yung mga nagpupulot ng basyo ng bala at inaayos ang mga target, ay ilang mga living-out prisoners.
Napansin ni Osang na palaging nakatitig ang mga preso sa kanyang legs at sa kanyang seksing-seksing katawan habang siya’y tinuturuan.
Nang paalis na kami, pabiro na sinabihan niya ang mga preso: “Kayo ha, alam ko na pag-alis ko at nakabalik na kayo sa inyong dormitoryo ay magba… kayo!”
Dios mio! Que barbaridad! Natulala ako sa kabiglaan sa kanyang sinabi.
Pumunta kami ng Davao City upang magbakasyon.
Naidlip ako dahil sa pagod (alam mo na) at akala niya ay tulog na tulog ako.
Tinawagan niya si Perry, ang aking shooting coach na nagturo din sa kanya, at tawa siya ng tawa.
Nalaman ko days later na ako pala ang kanilang pinag-uusapan dahil nang nagkita kaming muli ni Perry ay humahagikgik na sinabi niyang ang dapat na palayaw sa akin ay “Boy Tuta.”
Nang si Osang ay ma-interview ng mga reporters tungkol sa aming relasyon at napunta sa kung ano ang katangian ko na nabubukod sa ibang naging ka-relasyon niya, sinabi niya: “Big Brother. Daliri pa lang ay ulam na.”
Sinabi ni Osang ito on national television at narinig ng buong sambayanan.
As a result, ayaw nang pumasok ng aking anak sa kolehiyo kung saan siya nag-aaral dahil tinutukso siya ng kanyang mga kaklase.
Sabi ng isang kaklase niyang lalaki, “Eh, kung Big Brother ang daddy mo, di ikaw ay Big Sister.”
Talaga itong si Osang….!
Pinakilala ko si Osang sa aking kaibigan na si Francisco “Paquing” Rabat na noon ay mayor ng Mati, Davao Oriental.
Ang tisoy na tisoy na si Paquing Rabat ay basketball star noong dekada ‘50 at kamukha ng Hollywood actor na si George Peppard.
Alam ninyo ba kung ano’ng sinabi ni Osang kay Paquing?
“Mayor, kung ako’y tao na noong mga panahong yun at nagkatagpo tayo, baka naanakan mo ako dahil hahabulin kita.”
Kitang-kita ko ang reaksyon ni Paquing. Nag-blush siya at halatang halata sa kanyang maputi at mamula-mulang kutis.
Magaling din naman si Paking sa pagsagot kay Osang: “Hija, hindi mangyayari yun dahil mahal na mahal ko ang Mrs. ko (Edith Nakpil-Rabat, dating Miss Philippines—RT)
Pagkatapos niyang sagutin si Osang ay tiningnan ako ni Paquing at pa-ngiti na sinabi niya, “Mon, pilya itong kasama mo.”
Parang hindi ako makapaniwala sa pinagsasabi ng kanyang anak na si Onyok tungkol kay Osang.
Ang sabi ni Onyok ay humihingi na ng pera ang kanyang ina sa mga politicians at nandaraya na sa pera.
Isang beses, meron daw nagbigay na aktres kay Osang ng P50,000 para iparating sa kanyang anak na si Grace Adriano. Hindi raw ito nakarating.
Hindi ganoon ang pagkakakilala ko kay Osang noong kami pa.
Kahit na isang kusing ay hindi siya humingi sa inyong lingkod.
Isa siya sa mga disenteng babae na nakilala ko kung pera ang pag-uusapan.
Hindi “bilmoko” si Osang gaya ng mangilan-ngilang mga “gold diggers’ na mga babae na nakilala ko.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.