Jennica Garcia bawal pang magpabuntis, ikasal; kailangang mauna muna si Jean
Mas in demand pa rin si Jean Garcia kaysa kay Jennica Garcia. Nakasama namin si Jennica during the blessing of her manager’s DMV House of Acting and Performing Arts studio na si Manny Valera two weekends ago and good thing dahil hindi naman namin siya nakausap during the press visit of her TeleBabad show Carmela kung saan kasama na naman niya ang kaniyang ate Marian Rivera sa said primetime soap nightly after Kambal Sirena.
Jennica is joined by her co-DMV talents that afternoon na sina Alessandra de Rossi and Polo Ravales among others. Four years na pala sila ni Alwyn Uytingco and yes, up to this point, wala pa silang balak magpakasal.
Natatawa na nga lang si Jennica dahil parang umiikot na lang daw ang tanong sa kaniya. Una kung kailan sila ikakasal ni Alwyn, ikalawa kung buntis na siya at ikatlo kung hiwalay na sila.
Ngayong umikot na ang cycle about her “marriage” she is not surprised kung ang next questions sa kaniya kapag may nakita siyang press, kung buntis na siya and she doesn’t mind dahil ganoon naman daw talaga yun.
Pero for sure, baka mauna pa ring magpakasal ang kaniyang inang si Jean dahil matagal na rin ito with her non-showbiz boyfriend at nagbiro na ito once na bago siya maging lola kay Jennica, dapat maging bride muna siya.
Tanggap ito ni Jennica dahil bata pa lang siya, talagang mas in demand na raw sa kaniya ang ina kaysa sa kaniya in terms of boys.
Noong high school nga raw si Jennica, may isa siyang manliligaw na bibisita sa bahay pero sa mommy niya, at least tatlong guy, ganoon ka in-demand ang ina so don’t be surprised pag finally ay ikinasal na ito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.