Zaijian ka-level na sa aktingan sina Piolo, John Lloyd at Coco | Bandera

Zaijian ka-level na sa aktingan sina Piolo, John Lloyd at Coco

Ervin Santiago - March 12, 2014 - 03:00 AM


Dalawang gabi  nang umeere ang Ikaw Lamang sa Primetime Bida ng ABS-CBN at siguradong adik na adik na kayo sa takbo ng kuwento nito. At sure rin kami na bilib na bilib na rin kayo sa mga Kapamilya child wonder na sina Xyriel Manabat, Louise Abuel, Alyanna Angeles, lalung-lalo na kay Zaijian Jaranilla.

Napanood namin ang pilot week ng serye sa direksiyon ni Malu Sevilla, at kahit kami ay na-hook na agad sa kuwento ng bawat karakter ng tinaguriang epic drama ng taon.

Bukod sa bonggang production design at sa nakaka-excite na istorya, grabe rin ang tindi ng akting ng lahat ng artistang kasali rito. Mula sa mga kontrabidang sina John Estrada, Ronaldo Valdez, Cherie Gil at Ronnie Lazaro, kabilang na rin si Jake bilang kaagaw ni Coco kay Kim, hanggang sa mga bidang sina Tirso, Cherrie Pie, Coco, Kim at Julia.

Pero gusto kong bigyan ng napakalakas na palakpak si Zaijian na napakagaling bilang batang Coco. Grabe, ilang beses niya kaming pinaiyak sa mga eksena niya.

Kung noon ay pinahanga niya tayo sa May Bukas Pa hanggang sa Lorenzo’s Time at sa iba pang teleserye ng Dos, dito sa Ikaw Lamang, mas lumebel up pa ang performance ng bagets.

Sa murang edad, napakalalim na ng pinaghuhugutan ni Zaijian. Naisip nga namin, hindi kaya may pinagdaraanan din sa tunay na buhay ang bata kaya ganu’n siya ka-effective umarte? Ha-hahaha! Intrigahin ba pati ang bagets!?

Sabi nga namin, ang akting niya ay pwede nang ilaban kina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz at Coco. Pati ang pagbibitiw niya ng mga dialogue pang-award na talaga! Medyo nabitin pa nga kami dahil sa huling araw ng pilot week ay babu na sina Zaijian dahil papasok na ang mga karakter nina Coco, Kim, Julia at Jake.

But of course, sa paglaki nila magsisimula ang mas exciting na twist and turn ng kuwento ng Ikaw Lamang kaya nga ang babala ng mga taong nasa likod ng epic drama na ito, mag-ingat ang mga manonood dahil nakakaadik!

Anyway, kailangang maghanda na rin ang mga fans nina Julia at Kim dahil tiyak na hindi maiiwasan ang magkaroon ng “away” ang mga ito dahil kay Coco.

E, kahit kami, habang pinanonood ang huling araw ng pilot week, hindi namin maiwasan ang mamili kung sino kina Kim at Julia ang talagang bagay kay Coco!

Hindi na lang muna namin sasabihin kung sino ang bet namin na makatuluyan ni Coco sa Ikaw Lamang, bahala na kayong pumili kina Kim at Julia kung sino ang feel n’yo for the ABS-CBN Teleserye King! Ha-hahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending