‘Hindi ko sinisisi si Vice Ganda sa iskandalo sa PMPC Star Awards!’ | Bandera

‘Hindi ko sinisisi si Vice Ganda sa iskandalo sa PMPC Star Awards!’

Jobert Sucaldito - March 12, 2014 - 03:00 AM


NU’NG isang araw ay nagpiyesta ang mga kasamahan ko sa media dala ng expose ko tungkol sa bayaran sa nakaraang PMPC Awards for Movies lalo na sa kategorya ng Best Actor.

Sa technical aspect kasi nila ay maayos naman ang choices pero sa Best Actor category ay mainit talaga ang isyu. Vice Ganda won over all of the male nominees including Jeorge Estregan a.k.a. Gov. ER Ejercito and the rightful winner na si Joel Torre na much earlier pa lang ay alam na naming hindi mananalo dahil hindi nga raw ito nagla-lobby kaya it would be a toss lang naman between Vice and ER.

Kaya nga napilitan akong mag-lobby for Jeorge being the publicist of the movie “Shoot To Kill: Boy Golden”. A PMPC member naman was commissioned by Vice to lobby for him kaya lang, the main problem and issue here is not the lobbying but who lobbies for whom.

Kasi nga this PMPC insider is a voting member of Star Awards kaya dapat ay nag-abstain siya for delicadeza’s purposes and alam ng executive committee nila ito composed of three ranking officers ng grupo.

I don’t even take it against Vice dahil any actor dreams of winning a trophy for himself. Hindi krimen sa isang aktor ang mangarap na maging award-winner kaya nga they work so hard in every project that they do. Lobbying naman is not a no-no in the industry – normal lang iyon for stars that we support at ako naman ay hindi PMPC member at karapatan ko iyon.

Puwede akong mag-lobby dahil tagalabas ako. But not this PMPC regular member. And as far as I know (dala na rin ng mga nag-commit sa akin) I got the numbers, 22 members ang nag-commit sa akin that leaves them 16 voting members kasi 38 voting members lang naman sila eh pero bakit natalong bigla ang manok ko?

Ito ang nakakatawa. The other day ay tumawag sa akin si Gov. ER dahil nagulat daw siya sa mga natanggap niyang messages sa cellfone niya asking kung ano raw ba yung gulo tungkol sa bilihan ng awards, “Kuya, ang daming nag-text sa akin kung ano raw ba itong gulo sa PMPC Star Awards at ikaw daw ang involved. Totoo ba iyon?” ang tanong niya sa akin.

Ikinuwento ko sa kaniya ang scenario – the one that I posted sa Facebook kung bakit ko siya ini-lobby to win. Kasi nga, sinabi kasi ng mga nakausap kong taga-PMPC na hindi naman daw mananalo ang rightful winner na si Joel Torre dahil hindi ito nagla-lobby kaya I decided to lobby na lang for him (Gov. ER) dahil si Vice Ganda lang naman pala ang makakalaban niya.

Hindi sa tinatawaran ko ang kakayahan ni Vice pero in these particular projects nila, di-hamak namang mas mahusay siya kaysa kay Vice. At ito ang hindi kinaya ni Gov. ER na dialogue ko: “Kung merong dapat manalo sa pagka-Best Actor doon ay hindi ikaw o si Vice Ganda, dapat si Joel Torre iyon, ‘no!”

“Oo nga. Ha-hahaha! Akala ko nga si Joel Torre ang mananalo eh. Nagulat din ako at si Vice ang tinawag. Eh, ganoon talaga eh. Sila ang namimili kaya wala tayong magawa,” ang tanging nasabi na lang niya.

Hindi ko sinisisi si Vice Ganda rito – not because he is my friend kaya nais ko siyang protektahan, sa totoo lang, biktima rin siya dito. Hindi niya hawak ang ballot boxes dahil artista lang siya.

Kahit naglabas pa siya ng pera for example para maipanalo ang sarili niya, walang problema roon. Nasa club iyon kung papayag sila, eh mahusay mag-manipulate ang ilang executives nila kaya hayon, win ang bakla, di ba?

Dapat kasi ay pinaiiral ang delicadeza rito, yung voting member nila ay dapat pinag-a-abstain sa category na involved siya. Doon pa lang sa 3-member panel nila na kinabibilangan ng matataas na opisyal ng PMPC ay si Vice Ganda ang ibinoto and since sila lang ang tanging may hawak ng ballot boxes at hindi naman nila binilang ang boto in public, talagang puwede nilang i-manipulate ang results kasi nasanay silang walang nagkukuwestiyon sa mga resulta ng awards night nila kaya they are free to play their games.

Hindi ako nanghihinayang sa ginastos ko, sumugal ako eh kaya ready akong matalo, di ba? Pero nakapagtataka lang dahil as far as I know, I got the numbers. Iyon ang isyu ko, hindi dahil sa nalagasan ako ng dahtung.

Sino ba talaga ang lumabas na winner kung hindi rin lang si Joel Torre. A lot of our friends, even Facebook followers ko, suggest na ilaban namin ang isyung ito till the end.

Kasi nga balitang talamak na ang bilihan ng awards sa maraming award-giving bodies kaya pati yung matitinong nagbibigay ng parangal ay nadudungisan ang kanilang kredibilidad. Matagal nang nangyayari ito sa PMPC.

Ayoko lang magsalita noon dahil ayokong makaapak ng mga kaibigan natin sa loob pero ngayon ay talamak na kaya sumigaw na ako.

I received a text message from an anonymous sender saying na sabi raw ng isang Vice Ganda supporter na member ng PMPC (isang female member) na nakikiusap daw ang presidente nila na walang magri-react, walang sasagot isa man sa kanila regarding this issue kahit sa Twitter, Facebook, columns, etcetera, hangga’t hindi sila nakapag-meeting to come up with an official statement.

Tama! Bilisan ninyo ang pag-meeting para masugpo ninyo ang anomalyang ito. I spoke to Atty. Ferdie Topacio and asked him kung ano ang isa sa best ways para ma-solve nila itong issue nila.

Puwede ba ng pabuksan sa kanila ang ballot boxes para magkaalaman na.”I spoke to Roldan Castro (PMPC past president) about it pero ang sabi nga niya, may process daw silang sinusunod.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yon na nga, tama ka sa sinabi mong kailangan ng court decision on this. Suggestion ko naman sa kaniya, why don’t they decide on it na lang para maagapan kasi nga ang kredibilidad nila ang at stake dito,” ani kaibigang Atty. Ferdie Topacio na fair sa aming lahat.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending