Osang, up close and personal | Bandera

Osang, up close and personal

Ramon Tulfo - March 11, 2014 - 03:21 AM

NALULUNGKOT ang inyong lingkod sa kinahinatnan ng aktres na si Rosanna “Osang” Roces diumano’y dahil sa droga.

Hindi ganoon si Osang noong kami pa. Hindi siya gumagamit ng droga noon maliban lang sa sleeping pills na sinabi niya sa akin ay upang makatulog siya.

Maganda ang kanyang kita sa pelikula at TV show, may malaking talyer siya sa Quezon City, may mga kabayo na pang-karera, malaking bahay na kulay dilaw sa Vista Real village.

At seksing-seksi siya noong makilala ko siya. Mamula-mula ang kanyang kutis at marami siyang tagahanga.

Pinakilala ako kay Osang ng Bandera columnist na si Cristy Fermin noong birthday party ng aking kapatid na si Raffy sa Edsa Shangrila Hotel. Ilang taon na rin ang nakararaan.

Hindi pakipot si Osang at prangka. Sabi niya noong mapakilala siya sa akin ni Cristy ay may crush siya sa akin noon pa man.

Siyempre, nabigla ang inyong lingkod at tuwang-tuwa.

Sino bang lalaki na hindi mabibigla at matutuwa kung sabihin ng isang sexy and very popular actress na may crush ito sa kanya?

Matapos kaming iwan ni Cristy, nag-usap kami. Nagbolahan. Nagkantiyawan. Nagbiruan. Parang kami lang sa mundo kahit na marami kaming kasamahan dahil birthday party nga ni Raffy at marami siyang mga bisita.

Pinakilala ko siya sa mommy ko na dumalo rin sa party ni Raffy.

Hinipo ng Mommy ang mukha ni Osang at sinabing, “Hija, Miss Philippines ka ba? Ang ganda-ganda mo naman.”

Hindi kasi nanonood ang mommy ko ng Tagalog movies kaya’t di niya nakilala si Osang.

Ngumiti lang si Osang sa tinuran ng nanay ko.

Bumalik kami sa upuan. Sinabi niya na maganda pala ang mommy namin ni Raffy.

Pabiro niyang sinabi na kung puwede pa sana siyang magkaanak ay gusto niyang kalahati ay kamukha ng nanay ko at kamukha niya.

Ibig sabihin ay gusto niyang maging kamukha ko ang anak niya dahil kamukha ko ang nanay ko.

Siyempre, uminit ang katawan ng inyong lingkod dahil senyales na yun ng kung ano pa.

“Puntahan mo ako sa bahay bukas,” sabi ni Osang nang paalis na siya sa party ni Raffy.

Very attractive ang bahay ni Osang. Ito’y two- storey structure, very spacious ang salas at malaki ang kanyang bedroom.

Pagkatapos ng bisita na yun, nagkita kaming muli. At muli. At muli.

Minsan ay sinusundo ko siya sa kanyang bahay, at minsan naman sa kanyang talyer.

At minsan naman ay siya ang sumusundo sa inyong lingkod sa DWIZ sa Citystate Center sa Pasig City kung saan may public service program ang inyong lingkod na ang pamagat ay “Isumbong mo kay Tulfo.”

Kapag siya’y pumupunta sa station, may dala siyang two dozen roses at chocolates para sa akin.

Hiyang-hiya ako sa mga kantiyaw ng aking mga staff sa “Isumbong” pag umalis na si Osang dahil sa kanyang sinasabi sa akin bago niya ibigay ang roses at chocolates: “Thank you for last night. I enjoyed every second of it.”

Pilya si Osang. At siya’y prangka; wala siyang pakialam kung anong isipin sa kanya ng ibang tao.

Minsan, pinatawag kami ng Solar Entertainment noon dahil may plano ito na maglabas ng show na tatlo kaming magkakapatid—ang inyong lingkod, Erwin at Raffy—na magkasama sa isang programa.

Naimbita rin si Osang na gagawin sanang female anchor ng binabalak na public service show. Si Osang ang hahawak ng mga reklamo ng kababaihan.

May tinanong si Osang na ikinagulat ng mga nag-imbita sa amin at namula ako sa kahihiyan.

Ang tanong niya kung puwede siyang magsumbong.

Ano ang kanyang sumbong, sabi ng aking hosts?

“Ni-lacerate ako ng aking katabi kagabi,” sabi ni Osang, sabay turo sa akin.
(Abangan ang susunod na kabanata)

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending