HUMABOL si Iza Calzado sa presscon ng epic-fantasy film na “Ang Panday2” pinagbibidahan ni Sen. Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. Hindi na inabutan ni Iza ang question and answer portion pero nagkaroon naman ng chance na maka-one-one-one namin siya.
Isa si Iza sa leading ladies ni Bong sa pinakamalaking Panday series on big screen. Pero nilinaw niya na walang isyu sa kanila ng isa pa’ng ka-love interest ni Bong sa movie na si Marian Rivera. Marami pa’ng isyu ang kinakaharap ngayon ni Iza, mapa-personal at professional man, na kanyang sinagot at in-yong matutunghayan sa kabuuan ng aming interbyu sa kanya.
Bandera: True ba na nagsapawan kayo ni Marian Rivera sa “Ang Panday2”? Mas malaki raw kasi ang role ni Marian sa movie kesa sa iyo bilang leading lady ni Bong.
Iza Calzado: I think the center of the story is really their love story. Wala naman ako sa isyu na nu’ng binasa ko ‘yung script, marami ako’ng eksena sa kanya.
Nakakaintindi naman ako ng script. Nu’ng nabasa ko ‘yung script, I already knew from the get-go that this is not a movie wherein the focal point of the story will be my love story with Bong. Sa last Panday ‘yun.
This time may Marian siya, ‘yung nag-establish ng kanilang pag-iibigan and all of that and hence then create the whole conflict and maganda ‘yung magiging ending nu’ng film. Siyempre, hindi ko pwedeng sabihin ‘yung ending ng movie.
B: Ilang linggo nang namatay ang iyong ama, showbiz personality na si Lito Calzado. Anu-ano ang mga bagay na hinahanap-hanap mo tungkol sa daddy mo?
IC: Everything about him. Even the things that we would fight about, like ‘yung pagsi-sigarilyo niya. I would miss having to, alam mo ‘yung pinapagalitan mo? Even things when he was alive, we used to kumbaga argue. Mami-miss mo ‘yun, e, ‘di ba? Ganu’n naman po talaga, e.
Syempre ‘yun nga pagdating sa showbiz event doon mo mas mapi-feel na wala na si Daddy. Mas madalas kasi si Daddy doon. E, kasi hindi naman kami magkasama sa isang house so, hindi siya everyday na kapag tumingin ka sa bahay mo maaalala mo na parang dito, ‘di ba usually ganu’n ‘yun, e. It’s more of kapag pumupunta ako ng GMA or kapag may favorite restaurant, ganu’n, occasions.
B: Bago ang daddy mo, naunang namayapa si Mommy. Nag-sink in na ba sa iyo na ulilang lubos ka na?
IC: ‘Yung idea, oo. ‘Tsaka syempre, I’m sure darating ‘yung araw na gusto ko’ng biglang mami-miss ko ‘to, biglang hindi mo pala matatawagan. ‘Yun ‘yung mga masasakit na moments, e.
Hindi naman kasi, bakit mo naman hahayaan ang sarili mo, kumbaga, malunod ka doon sa thought na ulilang lubos ka na. Araw-araw mo ba’ng iisipin ‘yun? E, hindi ka talaga makaka-move on.
B: Wala ka na ring daddy na maghahatid sa iyo sa araw ng iyong kasal.
IC: ‘Yun na nga ang masakit sa akin, e. ‘Yun nga ang gusto ng Dad ko, e. Sorry na lang hindi ko naibigay. Sabi ko, maghintay pa, e. Mga ten years.
B: This year na ba ang magiging pinakamalungkot na Pasko mo ever? Wala ka nang mga magulang, wala ka ring boyfriend.
IC: Bakit? Ano naman ngayon wala ka’ng boyfriend? Hihi.
Hindi ko pwedeng sabihin ano naman ngayon wala ka’ng magulang. Marami ka namang mga kaibigan, o. Hindi ba pwedeng nagpapasaya sa ‘yo ‘yung mga kaibigan?
B: May balitang binabalikan ka ng non-showbiz na ex-boyfriend mo. Friends pa rin ba kayo?
IC: Oo naman, friends pa rin.
B: May chance ba na magkabalikan kayo?
IC: Ewan ko, haha.
B: Bumabalik nga ba sa iyo ang ex-bf mo?
IC:Hindi ko alam. ‘Wag na natin ‘yan pag-usapan. Nakaraan na ‘yun. Baka hindi pa ngayon ang panahon para sa amin. Pero we will always remain friends
B: For sure, may mga suitor kang umaali-aligid ngayon, tama ba?
IC: I entertain people. Oo naman. I entertain, period.
B: Makakasama mo raw ngayong Pasko ang kapatid mo. Paano mo ise-celebrate ang Pasko?
IC: Usually, ‘pag 25th ay may family reunion. Sa 24 naman kasi abala ka halos gabi na ‘di ba? So, misa na lang ‘yun saka hapunan. ‘Yun lang.
Sad, I’m sure we will cry or maybe we will crack about our father, tell story.
B: Ano’ng gift ang gusto mong matanggap ngayong Pasko?
IC: Happiness. Ah, material? Wala, kahit ano. Gusto ko lang siguro mag-travel ng mag-travel ngayon. It’s the most material thing that I want right now. ‘Yun na ‘yung materyal. Hindi naman ako ma-alahas.
B: Saan mo gustong mag-travel?
IC: Sa nakapakaraming lugar that would present an opportunity for a good travel for me. I wanna go back sa New York, maybe LA. We’ll see. Ang dali-daling mag-isip, ang sarap magplano pero you have actually to get a time to do that.
B: Ano naman ang nasa wish list mo for 2012?
IC:Mag-travel, magtrabaho. Sana makagawa ng pelikula na maganda. Sana maka-isang maganda rin na teleserye na drama. It’s my 10th year in the business.
B: How do you plan to celebrate your 10th year in show business?
IC: With GMA, definitely, with a big bang, fireworks.
B:Wala ba sa listahan mo ang magka-boyfriend next year?
IC: Ay, laging nasa sa listahan ‘yan. Ano ba?
B: Bakit may balitang lilipat ka ng network?
IC: E, ewan ko sa kanila po. Pero salamat po. Ako sa totoo lang kung pwede ako’ng magtrabaho sa tatlong networks ng sabay-sabay napakasaya naman noon.
What a dream come true ‘di ba? Ah, but, iba ‘yung situation ng panahon ngayon, ng industrya sa ngayon.
Actually, sa totoo lang po nakakalungkot ‘yun para sa isang artista na may mga, ‘di ba gusto mo’ng makatrabaho ‘yung ibang tao, ganu’n. Pero syempre, andu’n ka sa kung saan ang pinakamagandang opportunity para sa ‘yo at meron ka ring you don’t want also to burn bridges.
You don’t want to hurt people, well, ako ‘yun. You have to weigh so many things and uhm, wala. Then, you made decisions that you feel is the best for you.
B:Nakatrabaho mo sa pelikula ang Kapamilya star na si Piolo Pascual. Are you hoping na makatrabaho rin ang aktor sa isang teleserye?
IC: Yun nga, e, gusto ko talaga silang makatrabaho. Hindi naman sa ‘di ko gustong makatrabaho ‘yung iba, pero si Piolo, lahat sila. Si John Lloyd (Cruz), I never worked with him but I’m friends with him from before I was not an artista pa.
We used to see each other way back. Pero hindi naman super close, kakilala ko siya. Noon pa ‘yun.
Si Jericho (Rosales) hindi ko pa rin nakaktrabaho. Sino pa? Ang dami pa. Kasi halos lahat nakatrabaho ko na sa Siyete. Magsasampung taon na ako dito. Naglipatan na nga ‘yung iba, dumating na rin ‘yung iba. Ang sinasabi ko nga, it’s sad lang you can’t work with everybody.
B:Maugong ang usap-usapan sa diumano’y relasyon ni Vic Sotto kay Pauleen Luna na pareho mong kasama sa “Eat Bulaga.” Sila na ba talaga?
IC: Ano’ng kinalaman ko d’yan? Wala po ako’ng alam.
B: Wala ka bang napapansin sa closeness ngayon nina Vic at Pauleen?
IC: Ang pag-usapan na lang po natin ‘yung buhay ko.
B: Malakas din ang dating ng bagong pasok na kasamahan n‘yo sa “Eat Bulaga” na si Isabelle Daza. May tendency ba na ma-insecure ka sa kanya?
IC: Bakit naman ako mai-insecure doon sa tao?
B: How true rin na may sarili raw dressing room si Isabelle sa EB?
IC: Uy, hindi. Ano ba kayo?
B: Bakit nandidilat ang mga mata mo habang sumasagot sa mga tanong namin?
IC: Hindi, e, kasi nagulat naman ako sa mga tinatanong ninyo. Kakilala ko siya. Hahaha, kayo talaga.
B: Meron nga ba’ng sariling dressing room si Isabelle?
IC:Wala, magkakasama naman kami.
B:Dalawa lang kayo sa isang room?
IC: Hindi, ano ba? Hahaha.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.