I-text kay Madam Sophia | Bandera

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia |March 10,2014
facebook
share this

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia - March 10, 2014 - 03:48 AM

Mula kay Noemi ng …2947, Baguio City. May 11, 1985 ang birthday ko. Kailan kaya ako magkaka-boyfriend at kalian ko makikilala ang future husband ko?  
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong May 11, 1985 sa taong 2014 hanggang 2015 sa edad mong 29 pataas, magkaka-boyfriend ka na at ang nasabing boyfriend na isinilang sa buwan ng Disyembre ang siya mo na ring mapapangasawa.

Mula kay Bernardo Maru ng Zamboanga City. Nanaginip po ako, tumatakbo daw at pilit kong binibilisan ang aking pagtakbo. Ano po ba ang kahulugan nito?  
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa iyong panaginip na ikaw ay tumatakbo at pilit mong binilisan ang iyong pagtakbo, “Ito ay nangangahulugang sa kasalukuyan ikaw ay may unconscious o wala sa loob na takot na pilit mong tinatakasan. Kung baga, pilit mong tinatakasan ang pangyaayring darating palamang, kung saan, maaaring baon ka sa utang, o kaya’y may kasalanan kang nagawa o kaya naman’y may isang bagay na gusto o kailangan mong matapos pero hindi mo pa ito natatapos.”
 Ang totoo kasing ibig sabihin ng “tumatakbo” gusto mong takasan ang “nakikita mong future” o kinabukasan na maaari kang mapahamak, maaari kang pagalitan, maaari kang mapahiya o kung anupaman.
 Upang hindi na uli managinip na ikaw ay tumatakbo at pilit mong binilisan ang iyong pagtakbo, kung ikaw ay may mga pagkakautang at may mga maniningil sa iyo, kailangang ito ay mabayaran mo na. Kung ikaw ay may mga gawaing nakabinbin at hindi mo pa natatapos, kailangang tapusin mo na ito. At kung ikaw naman ay may mga kasalanan o pagkakamaling nagawa na hindi mo na naikokopinsal sa taong nagawan mo ng kasalanan, at hindi mo naman talaga ito kayang sabihin sa kanya, mas mabuting tumigil ka na lang sa mga mali mong ginagawa, upang sa ganon sa iyong pagtulog, “hindi ka na muling tatakbo ng tatakbo”, bagkus sa sandaling sinunod mo ang mga mungkahing nabanggit na sa itaas, mas makakatulog ka ng payapa at mahimbing.  

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending