Coco, Julia: Wala kaming relasyon! Trabaho muna! | Bandera

Coco, Julia: Wala kaming relasyon! Trabaho muna!

Reggee Bonoan |March 07,2014
facebook
share this

Coco, Julia: Wala kaming relasyon! Trabaho muna!

Reggee Bonoan - March 07, 2014 - 03:00 AM

COCO MARTIN AT JULIA MONTES

Natanong si Julia Montes sa Ikaw Lamang presscon tungkol sa papel niyang suporta na lang siya kina Coco Martin at Kim Chiu na rati’y siya ang leading lady ng aktor sa seryeng Walang Hanggan at sa pelikulang “A Moment In Time”.

Maganda ang katwiran ni Julia, “Wala naman po sa akin ‘yung bida o kontrabida, para sa akin po, ang suportahan sila honored na po ako roon at napasama po ako rito.

“Ang promise ko lang sa inyo kung kanino man ito iaalok (role), siguradong hindi rin magdadalawang-isip na tanggapin. At nalaman ko lang po na ito ‘yung project, siguradong buo na po ako at makasama ko lang ‘yung ganito kagagaling (cast), sino ba ako para tumanggi?”

Kung dati’y inaabangan ng Coco-Julia fans ang mangyayari sa kanila bilang love team ay iba naman ang aabangan ngayon.

Kasabay nito, itinanggi naman ni Julia ang tsikang sila raw ni Coco, “Work lang po kami.”

Sinalo naman ni Coco ang dalaga, “Siguro nakikita ng iba ang magandang samahan namin kasi sobra ko siyang inaalagaan, para na nga akong kuya lalo na pag out of town shows at out of the country.

“Kaibigan, kuya, magkasama na kami noon pa, kaya napalapit na kami sa lola niya. At dahil pareho kaming padre de pamilya kaya nag-a-advise ako sa kanya, nakikita ko ang sarili ko sa kanya,” paliwanag pa ng Teleserye King ng ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending