Pelikula nina Dawn at Goma ‘MINALAS’ dahil kay Mega? | Bandera

Pelikula nina Dawn at Goma ‘MINALAS’ dahil kay Mega?

Julie Bonifacio - March 06, 2014 - 03:00 AM


BUMALIK sa kanyang first love ang aktor na si Richard Gomez. And that’s none other than sports. Nag-tryout nga si Goma kamakailan para sa national team ng larong volleyball.

More than 100 daw ang nag-tryout including him. At na-trimdown na raw sila to 18. Out of 18, 12 manlalalaro lang ang kailangan sa national team and hopefully, makasama raw siya.

This week, malalaman kung sino ang pasok  sa final 12 ng Phillipine Volleyball Team. Pero knows ninyo ba kung bakit binalikan ni Goma ang paglalaro?

Heto ang sagot niya, “Ayoko ng wala akong ginagawa, e. ‘Di ba dapat may gagawin ako na movie sa ABS-CBN, ‘yung  Gretchen (Barretto) at saka ako? Tapos ‘yung TV show na ako at saka si Dawn (Zulueta)? E, nag-(brain) storm sila ng husto, I cannot wait na wala ako’ng ginagawa.

So, nag-training ako.” Kasunod nito ang pagtanggap ni Goma ng show with his former leading lady and girlfriend na si Sharon Cuneta sa TV5 na ikinatampo raw ng ABS-CBN.

“Sinabihan ko naman si Tita Cory (Vidanes), e. Tinanong niya, ‘Talaga?’ ‘Oo, ‘ sabi ko. Okey naman,” esplika ni Goma nu’ng makausap namin sa launch ng pinagsanib-pwersang proyekto ng Bench at misis niya na si Leyte Rep. Lucy Torres, ang “6200 Mission Possible,” sa Activity Center ng Ayala Fairview Terraces last Sunday.

At dahil daw sa isyu kaya hindi na  rin itinuloy ang bagong teleserye nila ni Dawn sa Kapamilya network. “Hindi, e,” diin niya. “Naunang nawala ‘yung teleserye.

Kaya nga sabi ko sa kanila, since wala pa tayong gagawin na teleserye, naka-stall pa ‘yung movie namin ni Gretchen, sabi ko, anyway, 13 weeks lang naman tatagal ‘to, e.”

Matatandaan na nabalita rin noon na may movie offer sa kanila ang Star Cinema. But until now, walang linaw kung matutuloy pa ang balik-tambalan sana nila ni Sharon sa pelikula.

“Dapat, pero wala pa, e. So, I think mas maganda mag-reunion kung sa TV muna. Maganda kasi, at least for a change na comedy naman ang gagawin namin. Something light, something different,” katwiran ni Goma.

Exciting naman ang sinabing word ni Goma sa nalalapit na pagtatrabaho nila ni John Lloyd Cruz. “Nagkatrabaho kami ni John Lloyd dati kasama ko sa Palibhasa Lalaki.’ Bata pa kami noon. Bata-bata pa tayo noon.

Ha-hahaha!” biro sa amin ni Goma. Dagdag pa niya, “Nakakatuwa ‘di ba na magkakasama pa rin kami at aktingan ‘to kaya masaya.”

Nire-refine na lang daw ‘yung script at saka naaksidente pa si John Lloyd kaya they have to wait ang paggaling ng aktor.
“Si Gretchen naman ang ginawa niya, nagbakasyon for a while sa London.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero babalik din siya. Pagbalik niya, tuluy-tuloy na ang shoot ng movie namin,” kwento pa niya.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending