Vhong protektado ng mga bodyguard sa mga hired killer | Bandera

Vhong protektado ng mga bodyguard sa mga hired killer

Cristy Fermin - March 06, 2014 - 03:00 AM


Walang masama kung nakikita man ngayon si Vhong Navarro na guwardiyado. Kauna-unawa ‘yun dahil kagagaling lang niya sa isang iskandalong halos kumitil na sa kanyang buhay. Hindi simple ang pisikal na pahihirap na pinagdaanan niya.

Gumagaling na ang kanyang mga sugat, mapupusyaw na ang mga pasa niya sa mukha ngayon, pero ang sakit at sugat ng nakaraan niyang pinagdaanan ay hindi madaling kalimutan.

Dapat lang naman siyang mas mag-ingat pa ngayon, mas kailangan niyang paghandaan ang seguridad ng kanyang buhay ngayon, lalo na’t sa paghahain niya ng mga asunto laban sa grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo ay marami siyang nasasagasaan.

Hindi namin sinasabing reresbakan siya ng tropa, kung meron mang plano ang mga ito para saktan siya ay hindi ‘yun mangyayari sa ganito kaagang panahon, hindi ngayon kung kailan sariwang-sariwa pa ang kontrobersiya.

Pag-iingat lang ang ginagawa ngayon ni Vhong Navarro, walang taong maglalawit pa uli ng kanyang sarili para masaktan, kami man ang actor-dancer-TV host ay ganu’n din ang aming gagawin.

Mahirap na, baka may mga grupong magsamantala sa pagkakataon, kauna-unawa lang ang pagkuha ng mga bodyguards ngayon ni Vhong. May mga nagsasabing mga PSG raw ang kanyang kasa-kasama ngayon kahit saan siya magpunta.

Ibang usapan na ‘yun. Pero kung ang mga bodyguards niya ay kinuha ng aktor sa isang ahensiya para bigyan siya ng proteksiyon ay madaling maintindihan ang ginawang aksiyon ni Vhong Navarro.

Dapat lang ‘yun. Sa mga panahong ito ay wala nang imposible, ang dali-daling kumitil ng buhay, sampu-sampera na lang ngayon ang mga taong tumatanggap ng kabayaran kapalit ang buhay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending