UMATRAS ang San Miguel Corp. (SMC) sa pagtustos sa pagpapatayo ng mega shrine para kay Mama Mary sa Cavite.
Nadiskubre ng SMC na ang nagpapatayo ng shrine na si Fr. Fernando Suarez, tanyag sa taguring “healing priest,” ay malakas gumastos ng walang katuturan, sabi ng isang SMC insider na ayaw magpakilala.
“Noon, nakasuot lang ng t-shirt at sandals si Father Suarez kapag bumibisita sa opisina ni RSA, pero ngayon ay mga signature shirts at mamahaling relo na ang kanyang suot, nagchicheck-in siya sa mga five-star hotel, at pumupunta sa tennis matches gaya ng Wimbledon Classic at French Open,” dagdag pa ng SMC insider.
Ang tinutukoy na RSA ay si Ramon S. Ang, president at CEO ng San Miguel Corp.
Si RSA, na nakasuot ng ordinaryong collared t-shirt, ay sampalataya sa healing power ni Father Suarez pero “na-shock” daw ito sa mayamang lifestyle ng pari.
Si Ang ay saradong Katoliko at ang kanyang maybahay ay miyembro ng Opus Dei, isang samahan ng mga ultra-conservative Catholic laymen.
Nang ipina-audit ng SMC, bilang principal benefactor, ang Mary Mother of the Poor Foundation ni Father Suarez, napag-alaman nito na kaliwa’t kanan ang gastos ng foundation ng walang mga supporting documents.
Halimbawa: Ang foundation ay naghulog ng P55 milyon para sa isang resort sa Butong, Taal, Batangas out of the total purchase price of P74 milyon.
Walang dokumento ang nasabing transaction.
Ang foundation ay nag-reimburse ng $850,727.20 sa mag-asawang Bong at Elvie Garcia sa pamamagitan ng dollar account nito para sa donation ng Sto. Niño chapel sa Pagkilatan, Batangas City.
Para sa ano ang reimbursement kung ang kapilya ay donation?
Construction works sa Tabernacle 3 ng St. Peter’s Chapel sa Butong, Taal, Batangas na nagkakahalaga ng P17.8 milyon noong 2008 at 2009.
Walang supporting documents na nagpapatunay na ang pera sa construction ay donated.
Donation ng P7.2 milyon ni Teresa Chan para sa 102,795 sqm property, pero P3.1 milyon lang ang naitala.
Marami raw mga taong napagaling ni Suarez dito at sa ibang bansa ang nag-donate ng limpak-limpak na salapi dahil sa tuwa na napaga-ling sila.
Nang tinanong daw minsan si Suarez kung bakit kaunti ang pera ng foundation, sagot daw niya: “Sa akin binigay ang pera, bakit ko ibibigay sa aking foundation?”
Ang rich lifestyle ni Suarez ay naging sanhi ng pagbitiw ni Archbishop Chito Tagle sa kanyang Mother Mary of the Poor Foundation bilang chairman noong Sept. 27, 2012; ni Antonio Tambunting, bilang vice chairman noong Oct. 2, 2012; at Jun Mangilit bilang treasurer noong Oct. 2, 2012; at Jun Mangilit bilang treasurer noong Oct. 3, 2012.
Nasilaw si Father Suarez sa malalaking halaga na dumarating sa kanya.
Ang SMC, na pina-ngungunahan ni Ang, ay nagbibigay ng malalaking halaga sa mga charity organizations at mga proyektong tumutulong sa mahihirap.
Ang business conglomerate, na ngayon ay may-ari na ng Philippine Airlines (PAL) ay naglaan ng higit sa P1 bilyon para sa rehabilitation ng Eastern Visayas na sinalanta ng Supertyphoon “Yolanda.”
Sa pagpapatayo ng 5,000 na bahay na magkakahalaga ng P200,000 bawat isa, ang perang gugulin ng SMC ay P1 bilyon.
Dahil sa halaga, ang SMC ay pinakamalaking benefactor ng mga biktima ng kalamidad sa Samar at Leyte.
Hindi pa kasama rito ang mga schoolhouses at ang deployment ng daan-daang heavy equipment at mga tao para sa reconstruction ng Eastern Visayas.
Hindi kataka-taka na nag-pledge ang SMC ng P1 bilyon para sa pagpa-patayo ng mega shrine ni Father Suarez.
Para sa San Miguel Corp., ang halaga ay peanuts o mani lamang upang matugunan nito ang corporate social responsibility.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.