Alaska uumpisahan ang title defense | Bandera

Alaska uumpisahan ang title defense

Barry Pascua - March 05, 2014 - 03:00 AM

Mga Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
5:45 p.m. Air21 vs.
Globalport
8 p.m. Alaska Milk vs. Talk ‘N Text

SISIMULAN ng Alaska Milk ang pagdedepensa sa korona sa salpukan nila ng Talk ‘N Text sa umpisa ng PBA Commissioner’s Cup mamayang alas-8 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Sa unang laro sa ganap na 5:45 ng hapon ay magpupugay bilang head coach si Alfredo Jarencio sa pagharap ng GlobalPort sa Air21.Ibinalik ng Alaska Milk bilang import si Rob Dozier at tiwala si coach Luigi Trillo na malaki ang maitutulong nito kahit na hindi ito nakapaglaro ng sampung buwan bunga ng injury.

Makakatapat niya si Richard Howell na sa kabila ng height na 6-7  ay isang mahusay na rebounder. Si Howell, produkto ng North Carolina State, ay nag-average ng 11 rebounds at 18 puntos habang naglalaro sa Idaho Stampede sa NBA  D-League sa nakaraang season.

Pinabulaanan din ni Trillo ang mga kumakalat na balitang ipamimigay nila si Calvin Abueva sa Barangay Ginebra at sinabing handa ang manlalarong tinaguriang “The Beast” na bumawi sa masagwang performance sa nakaraang conference.

Ang Aces ay pumang-walo sa elims ng Philippine Cup at natalo sa Gin Kings sa quarterfinals. Pumang-lima naman ang Talk ‘N Text na natalo sa nagkampeong SanMig Coffee sa quarterfinals.

Si Trillo ay sumasandig din kina Cyrus Baguio, Joaquim Thoss, JVee Casio at Dondon Hontiveros. Makakatapat nila sina Kelly Williams, Jimmy Alapag, Ranidel de Ocampo at Jayson Castro.

Kinuha ng Air21 bilang import si Herve Lamizana  na makaka-duwelo ng nagbabalik ding si Evan Brock. May tatlong bagong manlalaro ang Express at ito ay sina Sean Anthony na galing sa Talk ‘N Text, Jason Deutchmann buhat sa San Miguel Beer (dating Petron) at Jonas Villanueva na galing sa Barako Bull.

Hinalinhan ni Jarencio bilang head coach ng Batang Pier si Ritchie Ticzon. Nasa  Globalport na rin ngayon sina Alex Cabagnot  at Bonbon Custodio.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending