Goma, Dawn di na magtatambal, fans dismayado
DISMAYADO ang loyal supporters nina Richard Gomez at Dawn Zulueta dahil hindi natuloy ang TV project nilang You’re My Home matapos magkaproblema script.
Inilagay si Dawn sa Dyesebel bilang tunay na nanay ni Anne Curtis habang si Goma naman ay gagawa ng pelikula sa Star Cinema kasama sina Gretchen Barretto at John Lloyd Cruz.
At dahil walang TV project sa ABS-CBN si Goma kaya tinanggap muna niya ang offer ng TV5 para maging leading man ni Sharon Cuneta sa Madame Chairman na namaalam na rin sa ere, papalitan ito ng Pirated Family na hindi pa alam kung kailan magsisimula.
Ayon sa isang source ay per project ang kontrata ng aktor sa kanila kaya malaya itong gumawa ng project sa ibang network maliban sa pelikula.
Ang problema, hindi na nagswak ang schedule ni Richard ngayon sa schedule na ibinigay ng Star Cinema para sa pelikulang gagawin nila nina Greta at Lloydie dahil bisi-bisihan na ang aktor sa fundraising projects niya bukod pa sa sumali siya sa Volleyball Team ng Pilipinas na lalaban sa ibang bansa.
Kinumpirma naman ito ni Goma base sa panayam niya sa ABS-CBN news, “Yung sa ABS, na-stall yung movie project namin ni Gretchen. Marami pa silang inaayos sa script. Yung project with Gretchen, nire-refine lang yung script.”
Kaya ang mga supporters ng aktor ay nalulungkot dahil hindi nila alam kung matutuloy pa ang pelikula o hindi na.
Nagtanong naman kami sa Star Cinema at ang paliwanag sa amin, “Tuloy po ang movie, may inaayos po sa script at saka may stitches pa si John Lloyd (dahil sa aksidente sa bike) at may court case naman po si direk Chito (Roño) na kailangang tapusin at si Greta ay nasa London pa.”
Si direk Chito ang isa sa punong abala sa kaso ng alagang si Vhong Navarro at bilang direktor din ng pelikula nina Goma, Greta at Lloydie.
Supposedly, sa May, 2014 ito ipalalabas para sa Mother’s day presentation ito ng Star Cinema, pero base sa mga aberyang nangyayari, e, malamang na 2015 na ito maipalalabas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.