Pokwang type maglakad ng hubo’t hubad sa bahay na gawa sa salamin
STRAIGHT from her special appearance sa It’s Showtime para i-promote ang kanyang episode sa Maalaala Mo Kaya na ipinalabas last Saturday ay nakatsikahan namin ang komedyanteng si Pokwang.
Masaya niyang ibinalita na tuluy na tuloy na talaga ang movie niya na gagawin sa US para sa TFC sa month of May. Three weeks mawawala sa bansa si Pokwang.
Na-email na raw ang names ng mga makakasama ni Pokwang sa movie pero wala pa ‘yung script na gusto na niyang mabasa dahil 60% ay English ang speaking lines niya.
And then, pagbalik, may movie rin siya na gagawin with Zanjoe Marudo under Skylight Films.Habang nasa US, wish ni Pokwang na may makilala siyang guy na pwedeng maging potential inspiration.
Foreigner pa rin ang gusto ni Pokwang na makarelasyon if ever, dahil dream niya na magkaroon ng blue eyes na baby. Target niya this year na matayuan na ng bahay ang 300sq.m. lot na nabili niya sa Camaia Coast sa Bataan at doon gagawin niya itong museum para sa mga pelikulang ginawa niya.
“’Yun ang target ko this year, mapatayuan ko na siya. Para hindi na kami magbo-Boracay kapag summer. Ang mahal-mahal magpunta sa Boracay. E, eto three hours by land.
Pero meron kasi silang sariling ferry boat kung tawagin, 45 minutes from CCP Roxas Boulevard,” kwento ni Pokwang. Type ni Pokwang na tulad sa mga bahay sa Greece ang hitsura ng ipapatayo niya sa kanyang lupa.
“Although, may sinusunod na design pero pwedeng ipakita sa kanila kung maaprubahan ‘yung gusto mong design. Gusto ko ‘yung kulay puti tapos puro salamin.
Tapos maglalakad ako ng hubo’t hubad. For sure, lahat ng tao busy! Ha-hahaha!” Around P5 million daw ang magagastos niya sa pagpapatayo ng bahay niya sa kanyang resthouse sa Bataan.
Type rin ni Pokwang na palagyan ng roofdeck ang itatayong bahay. “Gusto ko lang may roofdeck kasi dagat ‘yung view ko, e. Bongga ‘di ba kapag nasa roofedeck ka, baka mapadaan si Dyesebel, kaway-kaway.
Ha-hahaha. At ano, ha, bawal mag-two piece. Pabango lang o ‘di kaya tanning lotion lang,” tawa ulit ni Pokwang. Hmmmm, kasunod na for sure ang yate naman ang bibilhin ni Pokie.
“Oo, ‘yung may gulong, sabi nga akin noon ni Kuya Willie. Kasi nu’ng may show pa kami, sinabi ko sa kanya na nakabili nga ako ng lupa sa Camaia Coast. Sabi niya bibigyan niya ako ng yate na ang gulong pang-19-wheeler. Ha-hahaha!
“Dahan-dahan naman. Sandali lang naman muna, ano ‘to? Pero ang anak ko gustung-gusto nagdye-jet ski. ‘Yun na lang muna.”
Tinanong namin si Pokie kung na-try na ba niya mag-two piece sa beach.
Natawa si Pokie at nagdadalawang-isip sa sasabihin sa amin bago nagsalita. Pinakita sa amin ni Pokie ang picture niya na pinakunan niya sa kanyang yaya sa loob ng room niya na naka-leather two-piece.
Sa kawalan daw ng magawa that day kaya niya naisipang mag-make-up at mag-effort na magsuot noon, then, pakunan ng litrato. In fairness, napaka-seksi ni Pokwang sa picture.
Malalaos ang mga nagpo-pose na sikat na artista ngayon sa sexy magazines, huh! Kaya lang sey namin kay Pokwang, ingatan niya ang phone niya at baka mawala.
Kasi baka makuha ng iba at kahit ma-delete niya mare-retrieve pa rin ng iba. Ayaw ni Wally Bayola, ‘no! Anyway, bukod sa bahay na ipapatayo niya sa Camaia Coast, gusto ring ipaayos ni Pokwang ang four-door apartment na nabili niya sa Antipolo.
“Nakabili ako ng lote na may apat na pintong apartment na hindi tapos. Binili ko ‘yun na nandoon na ‘yun na hindi natapos. Pinatirhan ko muna sa kapatid ko. Buo ‘yung ibaba pero ‘yung itaas hindi pa.
Binili ko siya na ganoon na. Kinapos kasi sa pera ‘yung may-ari. Nagkasakit ‘yung nanay, kaya binenta ng ora-orada. Nalokah nga ako kasi 400, parang 468 sq.m. Pagkatapos, may apat na pinto tapops binenta lang sa akin ng P1.6.
“Sobrang nagulat ako. Sabi ko, ‘Bakit ganito kamura?’ Sabi nila, kasi raw kailangang-kailangan nila ng pera. Malinis naman ‘yung titulo,” lahad ni Pokwang.
Kasalukuyang nakatira ngayon sa nabili niyang apartment ang panganay niyang kapatid.
( Photo credit to INS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.