Jolo naetsapwera, Xian 'sulutero' | Bandera

Jolo naetsapwera, Xian ‘sulutero’

- December 05, 2011 - 03:00 PM

May kumakalat na chika na nagkakaroon daw ng issue ngayon sina Jolo Revilla at Xian Lim, ang dalawang leading man ni Kim Chiu sa seryeng My Binondo Girl.

Feeling daw kasi ng kampo ni Jolo ay parang naeetsapwera na siya sa eksena dahil puro na lang daw tungkol kina Kim at Xian ang mga naglalabasang publicity.

Tanong ng mga supporters ni Jolo, bakit daw parang si Xian pa ang lumalabas na bida sa My Binondo Girl, at bakit parang si Jolo ay naging pangdekorasyon na lang?

Ang akala raw kasi nila ay sesentro ang kuwento kina Jolo at Kim, pero sa mga huling episodes nga na napapanood nila sa nasabing primetime series ng ABS ay sina Kim at Xian na ang ibinebenta?

Say pa nga ng isang loyal reader natin na fan ni Jolo sa kanyang e-mail, “Maliwanag na sinulot ni Xian si Kim kay Jolo. Siya na ang bidang-bida ngayon, samantalang si Jolo kumokonti ang exposure. Sana magpakatotoo na lang siya!”

Sa isang interview kay Xian, sinabi niyang wala naman daw isyu sa kanila ni Jolo, magkakaibigan daw sila at wala naman daw siyang alam sa mga “sulutan” issue.

“Wala, wala! Kami nina Jolo we are close like sa set usually some would just wait in the car, kami nasa tent lang, kwentuhan lang nang kwentuhan so yung nangyayari ngayon sa story everyone got their parts naman e, wala naman pong tension, there is no tension,” paliwanag ni Xian.

Sa tanong naman kung ginagamit lang niya si Kim at pang-promo lang ang closeness nila, sinabi ni Xian na unfair naman daw na akusahan sya ng ganu’n.

Kasabay nito inamin niyang may puwang na sa puso niya si Kim, pero hindi pa naman daw sila umaabot sa seryosohang relasyon. “I am not closing any doors at kung mangyari man yun, mahirap pigilan ang puso.

Bakit mo pipigilan ang puso? I feel like I got to know her better when Binondo Girl started, especially yung mga scenes namin together.

“It requires good teamwork hindi lang naman pwedeng hindi nag-uusap, kailangang pag-usapan and make sure na walang nagte-take advantage to make sure na the other person is feeling okay and I’m really new at this so I don’t want her to be offended in any way so I’m just showing her my complete respect,” seryosong pahayag pa ng binata.

Sobrang thankful din ni Xian sa mga Kimerald fans dahil tanggap na tanggap daw siya ng mga ito bilang leading man ni Kim, “I am really, really thankful first of all, actually iniisip ko nga yan e everyday na parang it happened so fast and I’m really happy and I’m really thankful na yung mga sumusuporta nandiyan lang sila with 100% support.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Yun lang ang laking pasasalamat ko.”

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending