Nananalo ng milyon piso sa lotto, bumalik sa kahirapan
BAKIT naman ipinagdiwang ang 1986 Edsa People Power Revolution sa Cebu at hindi sa Edsa mismo?
Dahil lang nagtago ang kanyang inang si Cory Aquino sa Cebu, kaya ba ipinagdiwang ni Pangulong Noy ang selebrasyon sa Cebu?
Malaking insulto ito sa mga milyon-milyong tao na pumunta sa Edsa upang protektahan ang tandem nina Defense Minister Juan Ponce Enrile at Lt. Gen. Fidel Ramos na nag-aklas sa diktadura ni Marcos.
Paano naging historically significant ang isang lugar na pinagtaguan ni Cory?
Lumabas na lang si Cory nang binigyan siya ng kasiguruhan na ligtas na siya sa panganib dahil malapit nang bumagsak ang rehimen ni Marcos.
Kung hindi binigay ni Enrile at Ramos ang lide-rato ng bansa kay Cory may magagawa ba ito?
Ang taumbayan sa Edsa ay hindi makikialam kung si Enrile man o Ramos ang nagdeklara na siya ang bagong lider ng bansa dahil ang layunin lang ng taumbayan sa Edsa ay pabagsakin si Marcos.
Dapat hindi pinakialaman ni PNoy ang selebrasyon ng Edsa revolution sa pamamagitan ng paglilipat ng venue from Manila to Cebu.
Baka naman hindi alam ni PNoy ang kanyang geography.
Alam ba ninyo kung bakit pinutakte ng coup ang administrasyon ni Pangulong Cory?
Hindi niya kasi tinupad ang kanyang pangako kina Enrile at Ramos na siya’y transition president lamang. Ibig sabihin, pagkatapos ng isa o dalawang taon, ibibigay niya sa kanyang vice president na si Salvador Laurel ang liderato o magdedeklara siya ng national elections.
Naniwala si Cory sa bulong-bulong ng kanyang kapatid na si Jose “Peping” Cojuangco na huwag niyang bitiwan ang pagka-pangulo ng bansa dahil popular naman siya sa taumbayan.
Ang totoo niyan, ayaw ni Peping na mawala si Cory sa puwesto dahil mawawala rin ang kanyang kapangyarihan at impluwensiya na kanyang inabuso.
Bakit nakalusot sa mga guwardiya niya si Onofre Surat Jr., isang convicted kidnaper at murderer, at nasakal niya si Deputy State Prosecutor Richard Fadullon, ang piskal na umusig sa kanya sa korte?
Kung ako ang judge na humusga kay Surat, aking ipakukulong ang mga guwardiya ng Bureau of Jail Management and Penology sa kanilang katangahan.
Katangahan ng mga BJMP guards ang malusutan sila ni Surat, at sakalin si Fadullon.
Kung pinosasan nila si Surat sa likod at hindi sa harap, di mangyayari ang pagsalakay kay Fadullon.
Ang hirap sa ating mga kapulisan at mga BJMP guards, ang pagposas nila sa preso o suspect ay sa harap hindi sa likuran.
Di ba sila natuto sa mga pulis sa America na pinoposasan ang mga suspect sa likod at di sa harap?
Hindi lang mga bobo ang BJMP guards na nagbantay kay Surat, sila’y tanga pa.
Ang katangahan daw ay di nagagamot.
Therefore, dapat ay alisin ang mga guwardiya ni Surat sa serbisyo.
Nanalo ang isang fast food attendant sa Albay ng kalahati ng P27.8 mil-yong jackpot prize ng
Lotto 6/42 noong Peb. 1.
Kapag di niya pinag-ingatan ang paghawak ng malaking bonanza mauuwi sa wala ang kanyang panalo.
Isang pag-aaral sa America ang nagsasabi na halos lahat ng nanalo ng lotto ay bumalik sa pagi-ging mahirap isa o dalawang taon matapos silang nanalo.
Huwag na lang tayong lumayo pa, dito sa ating bansa maraming nanalo ng lotto na bumalik sa paghihirap dahil sa hindi sila marunong humawak ng malaking halaga.
Easy come, easy go, ‘ika nga.
May kilala ako na tatawagin natin sa pangalang “Leo” na nanalo ng P30 milyon noong 1992.
Mas mahirap pa siya ngayon kesa noon.
Isang journalist ang nanalo ng hindi lang isa, kundi dalawang beses sa lotto pero ngayon ay mahirap pa sa daga, ‘ika nga.
Nakatira na lang ang nasabing journalist sa isang apartment samantalang noon ay nakatira ito sa Alabang Hills village.
Nilustay niya ang kanyang panalo sa dalawang pagkakataon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.