Career ni Kris tatamlay pag pumasok sa politika | Bandera

Career ni Kris tatamlay pag pumasok sa politika

- December 05, 2011 - 02:54 PM

Bago binawian ng buhay ang tinaguriang Nostradamus ng Asya na si Jojo Acuin ay may pinagpasahan siya ng kanyang titulo, si Bro Mhon Co na isa sa bestfriend ng una.

Ayon kay Bro Mhon, “It was a verbal conversation that we had when he was still alive.

And he told me directly na, ‘Bro Mhon, you have the potential and ikaw ang gusto kong pumalit when I’m gone.”

At ang mga natupad sa hula niya noon ay ang pagpasok sa pulitika ni Sen. Ping Lacson na noo’y nasa military pa.

Sinundan ng hindi matatapos ni dating Pangulong Joseph Estrada ang kanyang termino at sinabi ito ni Bro Mhon nu’ng senador pala lamang si Erap.

Nahulaan din niyang mananalong mayor ng Quezon City si Herbert Bautista at magiging speaker of the house si Sonny Belmonte na isa ng congressman ngayon.

Si Zsa Zsa Padilla na ang huling babae sa buhay ni Mang Dolphy at magiging matibay ang pagsasama bilang mag-asawa nina Optical Media Board Chairman Ronnie Ricketts at Mariz, Aga Muhlach at Charlene Gonzales, at panghuli sina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel.

At ang magandang nakikita niya sa kapalaran ni Kris Aquino ay, “Lovelife of Kris Aquino will still be that controversial, although I see brightness in her political career if ever she will try her luck in senatorial ticket.

“She might be the next top in the senatorial race if ever she decides to run and after that, kapag nanalo siyang senator, that will be the road to Malacanang on 2016. That’s what I see in the stars of Kris Aquino.

“At sa showbiz career niya ay tatamlay ng konti kapag pinasok na niya ang pulitika, pero si Bimby ay talagang napakasuwerte sa kanyang buhay dahil magiging superstar po ang bata.

And I can say na there’s a new partner of James Yap in the future, months na lang po ang bibilangin natin, meron po tayong makikitang malaking balita about the lovelife of James. But no reconciliation with Kris.”

At si Pangulong Noynoy naman ay, “PNoy will finish his term and there will be no partner during his tenure as a president. Papasok na lang po iyon, later on kapag hindi na siya pangulo ng bansa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Samantala, sa mga gustong sumangguni kay Bro Mhon Co ay maaari siyang puntahan sa 45 unit 8 General Lim Street, Heroes Hill, SFDM, Q.C..

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending