Periodic maintenance | Bandera

Periodic maintenance

Leifbilly Begas, Lito Bautista - February 26, 2014 - 03:00 AM


HIRIT ng ating texter ….4490, ng Leon B. Postigo, Zamboanga del Norte, dapat ay mayroong periodic maintenance ang mga motorsiklo at ang tumitingin ay isang marunong na mekaniko.

Bagamat ang RS 125 ay gawa ng isang mapagkakatiwalaang Japanese brand, at low maintenance, kailangan pa rin itong tingnan ng mekaniko.

Mahal na rin ang mga Japanese-brand na motorsiklo kaya mas ma-kabubuti at makamumura kung mayroon itong periodic maintenance na magbibigay ng dagdag na 10 taon sa buhay ng sasakyan.

Sa periodic maintenance, ang titignan ng mekaniko ay ang mga piyesa na kalimitang pinapalitan at kinukumpuni upang tiyakin na maganda ang takbo ng motorsiklo.

Kung metikuloso ang mekaniko, titignan niya ang takbo ng makina kapag hindi ito umaandar, engine oil centrifugal filter, engine oil strainer screen, valve clearance, spark plug, crankcase breather, air cleaner, carburator choke, throttle operation, fuel strainer screen at fuel line.

Tinitignan din ng iba ang head bearing, gulong, mga turnilyo, suspension, stands, clutch system, ilaw ng headlight, mga switch, brake system, at drive chain.

Kailangan ding regular ang pagtingin sa air cleaner lalo na kung ibinibiyahe ito sa maalikabok at mga basang lugar. Kung barado ang air cleaner, hindi maganda ang takbo ng makina dahil babagal  ang pagsunog sa gasolina kapag kulang ang hangin.

Kapag madalas na nauulanan ng motorsiklo, dapat ding gawing madalas ang pagtingin sa crankcase breather dahil maaari itong pasukin ng dumi na magbabara rito.

MOTORISTA

CG 110
ANO po ba ang bagay na gasolina at engine oil para sa 1977 Honda CG 110?
…6535

BANDERA

CONGRATULATIONS at umaandar pa ang motor mo.  Ang ibig sabihin niyan ay marunong kang mag-alaga ng motor. Dapat ay kilalanin ka na ng Honda Phils.  Unleaded gasoline lang ang bagay dito at SAE 40 para sa langis.  Huwag gumamit ng synthetic oil.

MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp?  I-text sa 0917-8446769

Classifieds Motor
PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds.

Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang).  Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).

Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number).  Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).  VINTAGE bike (cell phone number).

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

PARTS (cell phone number).  INSURANCE (cell phone number).  I-text ang mga ito sa 0917-8446769

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending