Deniece ipinahamak, hindi na si Vhong ang kalaban | Bandera

Deniece ipinahamak, hindi na si Vhong ang kalaban

Cristy Fermin |February 26,2014
facebook
share this

Deniece ipinahamak, hindi na si Vhong ang kalaban

Cristy Fermin - February 26, 2014 - 03:00 AM


Konting-konting panahon na lang daw, ayon sa mga nakakausap namin, ay puwede nang pumasang komedyana ang kontrobersiyal na si Deniece Cornejo.

Pero doble ang talim ng kanilang salita, puwede na raw siyang maging komedyana, dahil sobrang nakakatawa na ang kanyang mga pinagsasasabi at pinaggagagawa.

“Paano mo naman hindi masasabing puwede na siya sa comedy, look at her second affidavit, not once but twice daw siyang ni-rape ni Vhong Navarro! Once daw nu’ng January 17 and once naman nu’ng January 22!

“Di ba naman, sobrang nakakatawa na ang mga sinasabi niya? Ni-rape na pala siya nu’ng January 17, hindi pa siya nag-report na ni-rape siya ni Vhong, pinabalik pa niya ang kuno-kuno, e, rapist nu’ng gabi ng January 22!

“Nakakaloka siya, ha? Naminsan na pala siya, pero gusto pa niyang madalawahan? Ano ‘yun, nataypan niya? Kung totoo ang nangyari nu’ng January 17, di sana, ipinagbawal na niya ang pagpasok ni Vhong sa building na tinitirhan niya!

Nakakaloka siya!” madiing komento ng isang nakakuwentuhan namin. ‘Yun ang bagong kuwento ngayon ni Deniece Cornejo, na talaga raw mapagsamantala si Vhong, dahil nu’ng gabi ng January 17 ay pinilit siya nitong “kumanta” sa sandata nito.

Sapilitan daw ‘yun, labag sa kanyang kalooban, ninakawan daw siya ng puri ng aktor dahil pinuwersa lang siya. Hindi kaya naisip ni Deniece at ng nakasama niyang nagbalangkas ng kanyang affidavit na magiging malaking katatawanan ang ikalawang affidavit na isinumite niya sa korte?

Bakit nu’ng hatinggabi lang ng January 22 siya nag-report kasama ang kanyang mga katropa, samantalang January 17 pa lang pala ay pinagsamantalahan na siya ni Vhong?

Sa mga sinabing ‘yun ni Deniece Cornejo ay nakasilip tuloy ng posibilidad ang mas nakararami, parang lumalabas tuloy na ang gabi ng January 22 ay nakaumang nang mangyari, pinlano na talaga para pagtulung-tulungang bugbugin si Vhong Navarro dahil ayon kay Deniece ay binastos na siya ng aktor nu’ng gabi pa lang ng January 17.

Hindi na ang kampo ni Vhong ang kalaban ngayon ni Deniece Cornejo, ang kanyang sarili na mismo, dahil hindi nagtutugma-tugma ang daloy ng kanyang mga katwiran at pagpapatunay na ni-rape nga siya ni Vhong Navarro.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending