Cedric, Deniece nahaharas daw, gustong ipagbawal ang media sa hearing ng DOJ | Bandera

Cedric, Deniece nahaharas daw, gustong ipagbawal ang media sa hearing ng DOJ

Ambet Nabus - February 23, 2014 - 03:00 AM


NABASA namin ang affidavit sa bagong rape case na isinampa ni Roxanne Cabanero, sinasabing kontesera sa mga beauty and bikini contests laban kay papa Vhong Navarro.

Sa inilimbag na affidavit through Mr. Tony Calvento’s Facebook account (he never mentioned the name of Roxanne, ha!), idinetalye nga ng umano’y biktima ang mga pangyayari simula noong makilala niya si papa Vhong noong April 11, 2010 to May 5, 2010.

Kalahok nga siya sa isang pageant at nang mag-guest daw sila sa It’s Showtime ay pinahingi ng aktor-TV host ang kanyang numero. At noon ngang April 24, 2010 ay nagkasundo silang magkita. Sinundo siya ni Vhong sa Astoria Hotel kung saan naka-billet ang mga bikini contestants at ang inakala niyang “coffee moment” nila ay nauwi raw sa isang pangit na karanasan.

Ayon pa sa affidavit ng girl, mayroon ngang mga pagtatangkang ginawa ang aktor sa kanya habang nag-iikot-ikot sila sa may Ortigas at Pasig ng gabing ‘yun ng April 24.

Pinalalabas din ni Roxanne ang pagiging “arogante” at “mayabang” ng komedyante. Pinakagrabe na marahil na paglalarawan ni Roxanne ‘yung pagpilit diumano ni Vhong na ipasok ang kanyang mga daliri sa kanyang kaselanan at pagkatapos ay pinagbantaan pa raw siya ng TV host-comedian.

Matindi ang akusasyon ng diumano’y biktima na naghintay pa nga ng four years bago siya magkalakas-loob na harapin ito. Sana nga ay may kauwian ang tapang na ito ni Roxanne!

Sa kabilang banda naman, nakakagulantang din na sa petsang binanggit nito sa affidavit ay may mga social media accounts naman (Instagram at Twitter) na nagpapatunay na noong April 24, 2010 umano at sa halos parehong oras (11 p.m. onwards) ay nasa Cavite itong si Vhong at guest sa show ni Vice Ganda.

Halos madaling araw na raw nang matapos ang concert, kaya’t ipinagtataka ng lahat ang tila pagkakaroon ng parehong conflict pagdating sa oras at layo ng mga lugar sa sinasabing rape nina Deniece Cornejo at ngayon nga ni Roxanne Cabanero.

Kung sakali mang totoo na sa petsang nabanggit ay nasa show nga ni Vice si papa Vhong…tsk, tsk, tsk! Dinenay ni Roxanne na may kuneksyon siya kina Deniece at Cedric Lee, na ngayo’y ngumangawa nga na palabasin daw ang media na nagku-cover sa hearing ng kanilang kaso dahil naha-harass na raw sila? Hello!!!

Bakit dati, eh kayo nga itong aligaga sa pag-iikot sa mga TV station, may nalalaman pa kayong unfair reporting? Tapos ngayon, magrereklamo kayo ng harassment?

Ewan ko lang ha, sa bagong kasong kinakaharap ngayon ni papa Vhong, siguro ay ginagawa na niya ang lahat ng pag-flashback sa mga babaeng nakasama niya noon dahil baka may mga sumunod pang kasong tulad nito.

Aminado naman siyang hindi siya santo at kagaya nating lahat ay nagkakasala rin. Pero sa kinalalabasan kasi ng mga kuwento, malinaw ding may nagmamanipula sa mga nangyayari ngayon, di ba mga Ka-BANDERA?

Personally, lagi po kaming sumusuporta sa mga babaeng biktima ng lahat ng uri ng karahasan. Laging nasa kanila ang aming simpatiya at suporta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pero sa tila makabagong panahon na ito na kahit sino ay puwedeng sumigaw ng rape, pilit man naming kapain ang aming emosyon para tapunan ng kahit konting awa ang sinuman kina Deniece at Roxanne, eh, talagang hindi namin ‘yun maramdaman? Na-rape na rin kaya ang aming emosyon? Ha-hahaha!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending