SANMIG, RAIN or SHINE unahan sa 2-1 lead | Bandera

SANMIG, RAIN or SHINE unahan sa 2-1 lead

Barry Pascua - February 19, 2014 - 03:00 AM

Laro Ngayon
 (Araneta Coliseum)
8 p.m. SanMig Coffee vs. Rain or Shine

GALING sa panalo at sa dalawang araw na pahinga, pakiramdam ng San Mig Coffee ay napunta na sa kanila ang bentahe laban sa Rain or Shine papasok sa Game Three ng PLDT MyDSL PBA Philippine Cup best-of-seven Finals mamayang alas-8 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.

Nagpamalas ng kakaibang enerhiya ang Mixers na nagwagi sa Game Two, 80-70, upang itabla ang serye 1-all, nanalo ang Elasto Painters sa series opener, 83-80.

“I was surprised with the amount of energy we displayed in Game Two. I thought we would be  downhearted after losing Game One and  after that long series against Barangay Ginebra. But my players surprised me,” ani SanMig coach Tim Cone.

Sinabi ni Cone na nakabuti ang two-day break sa kanila dahil sa mapapantayan nila ang enerhiya ng Elasto Painters  sa susunod na tatlong laro hanggang sa Linggo.

Limang Mixers ang nagposte ng double figures sa scoring sa Game Two. Ang opensa ng San Mig  ay pinangunahan ni Peter June Simon na gumaw ang 15 puntos.

Nagtala ng tig-13 sina Joe  DeVance at James Yap. Umiskor ng 11 si Marc Pingris at nagdagdag ng 10 si Ian Sangalang. Sa kabilang dako, tanging si Jeff Chan ang nagningning para sa Rain or Shine nang gumawa siya ng 15 puntos habang nangapa ang kanyang mga kakampi.

“They got off to a strong start and we were unable to keep up with them,” ani Rain or Shine coach Joseller “Yeng” Guiao.  “But I feel we still have the advantage.

That’s the beauty of winning Game One. Now, it is important for us not to yield that advantage. We should not give SanMig the initiative in this series.”

Umaasa si Guiao na makakabawi sila  sa masamang laro sa Game Two.

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending