I-text kay Madam Sophia | Bandera

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia |February 17,2014
facebook
share this

I-text kay Madam Sophia

Madam Sophia - February 17, 2014 - 03:44 AM

Mula kay Leonila Albino ng Upper Calarian Zamboanga City. March 5, 1977 ang birthday ko. Sana matulungan mo ako kung paano makakabawi sa negosyo at kung paano uunlad, lagi na lang po kasi akong nalulugi.
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong March 5, 1977 madali lang para umunlad ka, una, kung hindi ka pinapalad sa negosyo, pag-aabroad naman ang gawin mo. Kung hindi ka parin papalarin sa pag-aabroad, mag hanap ka ng mapapangasawa na isinilang sa petsang 5, 14, 23, 8, 17, at 26, sa ganyang paraan siguradong uunlad at yayayaman ka.
 Tatlong bagay kasi ang nagpapayaman sa mga taong may birth date na 5, na tulad mo: Una, ang walang tigil na pagnenegosyo. Pangalawa, ang walang tigil na pag-aabroad at pangatlo: “bigla siyang makapag-aasawa ng mayaman.”

Mula kay Jo ng …4487, Iloilo City. Nov 20 ang birthday ko at buntis po ako. Makakatuluyan ko po ba ang boyfriend ko na isinilang nuong May 6?  
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong November 20, tugma at compatible kayo ng boyfriend mong isinilang noong May 6. Ibig sabihin, compatible, tugma kayo, kaya naman siguradong kayo na nga ang magkakatuluyan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending