Honesto pinaglilihian ng mga buntis | Bandera

Honesto pinaglilihian ng mga buntis

Ervin Santiago - February 15, 2014 - 03:00 AM


HABANG tumatagal ay lalo pang nagiging kapana-panabik ang takbo ng istorya ng nangungunang teleserye sa buong bansa – ang Honesto sa Primetime Bida ng ABS-CBN mula Lunes hanggang Biyernes.

Kahit saan yata kami mapunta ay ang kuwento ng batang si Honesto ang pinag-uusapan, lalo na ng mga bata at mga nanay. Tuwang-tuwa kasi sila sa bagong child wonder na si Raikko Mateo (gumaganap na Honesto).

Bukod daw sa napaka-cute ng bata ay ang galing-galing din nitong umarte. Sabi nga ng isang kapitbahay naming buntis, sana raw maging kamukha ni Honesto ang magiging baby niya at sana raw ganu’n din kabait.

Imagine, gabi-gabi talaga siyang nakatutok sa nasabing serye para raw lagi niyang nakikita ang face ng bagets. Naniniwala kasi siya na magiging kamukha ng baby niya ang bagets kapag lagi niyang tititigan ang mukha ni Raikko.

Bukod dito, nakakatuwa ring panoorin ang mga eksena nina Joel Torre, Noni Buencamino at Angel Aquino, pati na rin nina Eddie Garcia at Janice de Belen.

Walang sawa factor kumbaga, at hindi ka mababagot sa takbo ng istorya. Bawat gabi ay laging may pasabog ang serye na talagang aabangan mo ang mga susunod na eksena.

At siyempre, ang tambalan nina Paulo Avelino at Cristine Reyes. Tulad nga ng lagi naming sinasabi, sana bigyan ng solong proyekto ng ABS-CBN ang dalawa in the future, ‘yung nakasentro lang sa kanilang dalawa ang kuwento.

Kitang-kita kasi ang napakagandang chemistry nila sa Honesto. Hindi pilit, natural na natural ang dating ng kanilang loveteam.
Samantala, number one pa rin sa ratings game ang Honesto, sa latest survey ng Kantar/ Media/TNS, nakakuha ng napakataas na puntos ang programa with 33.7 percent nitong Miyerkules.

Sinundan ito ng TV Patrol (30.4). Nasa ikatlong pwesto ang Got To Believe (29.7),  ikaapat at ikalima naman ang Annaliza (27.1) at The Legal Wife (20.5).

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending