Pinoy Figure Skater Michael Christian Martinez iniintriga
BUONG magdamag ako halos nakababad sa Facebook ko. Kasi nga, hindi pa rin ako nakakawala sa pagka-adik ko sa Candy Crush. Halos lahat ng kaibigan ko ay tinanggal na ang larong ito sa kanilang FB dahil nasisira ang mga schedule nila pero ako – wala pa ring kadala-dala.
Nasa level 465 na yata ako at hindi ako makaalis-alis sa level na ito pero pinagtitiyagaan ko pa rin. Kaloka, di ba? Ha-hahaha!
Noong mawalan na ako ng lives sa Candy Crush, balik ako sa home ng FB ko at naka-post sa wall ko ang link ng TV5 kung saan ay ipinakita ang qualifying number ng Philippine figure skater natin – ang 17-year old guwaping na si Michael Christian Martinez to the tune of “A Time For Us”, ang theme song ng classical movie na “Romeo & Juliet”.
Oh no! Napakahusay ng batang ito – he’s so charismatic sa movements niya – grabe ang flexibility and mind you, hindi bading ang movements niya.
Napaka-emotional ng atake niya sa kaniyang choreography, lumabas ang flair and sweetness ng number niya dala ng sobrang galing niya.
For me, I consider him super-galing dahil first and foremost ang bansa natin ay walang snow – sa SM Megamall Skating Rink lang yata nag-practice ang batang ito pero lintek naman ang husay niya.
“I tried other sports before pero I can’t excel in them kaya I tried to figure-skate dahil I love to do it. I’m so much into sports and I know na I will excel here. I’m ashtmatic before pero I still continued to play.
“I feel that I have the chance to be in the finals. Just dream high to be able to reach your goals,” ang tanging mai-advise niya sa kapwa athletes natin.
Here’s wishing this young boy the best of luck. He carries the Philippine torch in the very prestigious Winter Olympics currently held in Russia.
This boy is very controversial too not only sa pagkakasali niya sa nasabing figure skating competition, pero dahil na rin sa mga isyu ng funding sa kanyang trip para makasali sa Winter Olympics.
Pero let’s just set aside it first – ipagdasal muna nating he lands at the top, OK ba BIR Commissioner Kim Henares? Anyway, some of our college classmates at UP Iloilo before are figuring out kung itong si Michael Christian Martinez ay anak ng guwapo naming classmate before na si Michael Martinez na taga-Manila.
May hawig kasi sila eh. Hayaan mo, baka kamag-anak niya ang guwaping naming kaklase before. Ipapa-research natin. Ha-hahaha!
( Photo credit to INS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.