Toni ka-level na nina Angel at Bea sa pakikipagtalik | Bandera

Toni ka-level na nina Angel at Bea sa pakikipagtalik

Julie Bonifacio - February 14, 2014 - 03:00 AM

TONI GONZAGA, ANGEL LOCSIN AT BEA ALONZO

GRABENG kilig at tilian ng fans ni Toni Gonzaga sa ending ng first film nila ni Piolo Pascual na “Starting Over Again” sa premiere night last Tuesday. May kakaibang twist kasi na nangyari sa ending ng movie at may malaking pasabog, huh!

Syempre, hindi namin ikukuwento ang ending ng pelikula para panoorin ninyo at isa pa, special request din ito ng respetadong direktor ng movie na si Olivia Lamasan.

“Natutuwa naman ako sa reaksyon ninyo sa movie,” sey sa amin ni Inang (tawag sa kanya sa showbiz). “Sana ganyan lahat ng reaksyon ng mga manonood.”

Curious syempre kami kung paano naisip ni Inang ang ganu’ng twist sa ending ng movie, “Kung ano lang ‘yung reyalidad sa buhay. Para masabi mo pagkatapos mo mapanood ang pelikula na napakasakit harapin ng katotohanan pero kapag nagawa mo napakasarap matuto,” esplika niya.

Parang gripo ang mga mata ni Toni sa dami ng iniyak niya sa movie, huh!

“Ang galing ni Toni. Napakahirap gampanan ng kanyang role kasi very complex ang character ni Jinny. She makes you laugh, she makes you cry, she makes you fall in love. Syempre si PJ (Piolo) sobrang galing din, all the nuances that he has, ramdam mo talaga. And of course si Iza (Calzado), mata pa lang umaarte na.”

Two days and a half daw kinunan ang confrontation scene nina Toni at Iza sa movie, “Oo, that’s something na kaabang-abang,” ngiti ni Inang.

Magugulat din ang viewers sa love scene nina Toni at Piolo. After mapagawa ni Inang ang pagpapakita ng skin nina Bea Alonzo (sa The Mistress) at Angel Locsin (sa In The Name Of Love), dito si Toni naman sa latest movie ng Star Cinema.

Gusto tuloy namin malaman what if si Sarah Geronimo naman ang idirek niya sa pelikula? Makaya kaya ng powers ni Inang na mapapayag sa mga ganoong eksena ang ina ni Sarah? “Ay, hindi ko pa alam. Ha-hahahaha.”

Wala pa raw plano sa ngayon na idirek niya si Sarah. But definiely, she would like to handle Sarah in a movie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending