FINALS TARGET NG NLEX, BLACKWATER | Bandera

FINALS TARGET NG NLEX, BLACKWATER

Mike Lee - February 13, 2014 - 12:00 PM


Mga Laro Ngayon
(Ynares Sports Arena, Pasig City)
2 p.m. Blackwater Sports vs Big Chill
4 p.m. Hog’s Breath Café vs NLEX

NAKATAYA para sa four-time champion NLEX Road Warriors at Blackwater Sports Elite ang puwesto sa Finals sakaling manaig uli sila sa Game Two ng 2013-14 PBA D-League Aspirants’ Cup semifinals ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Unang sasampa sa court ang Elite laban sa number two seed Big Chill Superchargers sa ganap na alas-2 ng hapon bago sumalang ang Road Warriors kontra sa Hog’s Breath Café Razorbacks.

Isang panalo na lamang ang kailangan ng NLEX at Blackwater matapos manaig sa Game One noong Martes.

Nasilayan uli ang mabangis na opensa ng tropa ni Road Warriors coach Boyet Fernandez tungo sa 99-74 pananaig sa Razorbacks habang ang lakas sa ikalawang yugto ang ginamit ng tropa ni Elite coach Leo Isaac para padapain ang Superchargers, 84-72.

“Hindi pa tapos ang laban at kailangan pa naming manalo ng isang laro. Mas mabangis ang Razorbacks sa Game Two at kailangang hindi magbago ang larong ipinakita namin,” pahayag ni Fernandez.

Si Garvo Lanete ang mangunguna sa matikas na opensa ng NLEX pero kailangan din nilang maulit ang depensang inilapat sa mga shooters ng Hog’s Breath para makumpleto ang sweep.

Sa mga kamay nina Jericho Cruz, Allan Mangahas, Kevin Ferrer, Narciso Llagas at Bacon Austria sasandal ang Elite na may limang sunod na panalo na sa taong ito.

“We are using these victories to improve our confidence level. We don’t want to delay our goal and we will try to end the series,” ani ni Isaac.

Tiyak namang gagawa ng ibang plano si Big Chill coach Robert Sison para hindi masayang ang pinagpaguran sa elimination round na kung saan umani ang koponan ng 11-2 baraha.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

PHOTO: INQUIRER

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending