Pag ang motor ay nagliyab | Bandera

Pag ang motor ay nagliyab

Leifbilly Begas, Lito Bautista - February 12, 2014 - 05:19 PM


NOONG Disyembre, 2009 ay may naisulat na sa Bandera motor section tungkol sa motorsiklo na nagliyab.  Nasundan ito ng panibagong artikulo noong  Agosto, 2011.

At kamakailan ay isang Suzuki 125 Skydrive naman ang nasunog habang nakaparada sa tapat ng bahay ng may-ari nito sa Batasan Hills, Quezon City.

Magandang pag-usapan muli ang ganitong paksa bagamat wala tayo sa posisyon upang sabihin kung ano ang nangyari dahil ang dapat na gumawa nito ay ang mga arson investigator na alam kung papaano umaandar ang motorsiklo.

Ang pagkasunog ng motorsiklo o scooter ay maaaring mangyari kahit na kanino.  Posible itong mangyari lalo na kung galing sa mahabang biyahe ang sasakyan.

Sa insidente noong 2011, posibleng nagkaroon ng electrical overload na siyang pinagmulan ng short circuit na siyang nagpasiklab sa sasakyan.

Ang sumuring  mekaniko matapos ang sunog ay nakakita ng sumabog na kable ng kuryente. Pero papaano ito magyayari, kapag naka-patay na ang makina.

Iniwanan ang motorsiklo na naka-center stand sa Roxas Boulevard, Manila nang bigla itong magliyab. Malibis na lumaki ang apoy na nagmula sa likurang upuan kung saan naroon ang tangke ng gas.

Ano kaya ang maaa-ring naging sanhi nito? Maaaring sira o maluwag na ang gas cap o mayroong tagas ang tangke.
Kung magkakaroon ng short circuit maaari ito ang magpasiklab sa gasolina.

Sa artikulo noong Disyembre, ang pinag-usapan ay ang pagsabog ng mga motorsiklo matapos na tumagas ang gasolina o maaksidente. Ang mga aksidenteng katulad nito ay naitala sa Pasig, Makati at Parañaque at nangyari sa gabi.

Makikita sa larawan na lumabas sa pahayagan na ang motorsiklo ay modified. Kalimitan na nababalewala ang warranty ng motorsiklo kapag binago na ito, lalo na kung pinaki-alaman na ang electrical section at wiring nito.

Isa sa mga hindi ini-rerekomenda ng mga motorcycle manufacturer ang paglalagay ng radyo o player sa sasakyan. Maaari kasing magulo ang electrical system at kung hindi marunong ang gagawa ay maaaring magamit nito ang mga kable na hindi naaangkop.

Maaaring magkaroon ng short circuit kapag hindi maayos ang pagkakakabit ng mga kable at hindi maayos ang koneksyong ginawa.

Hindi rin maganda na magdagdag ng ilaw sa motorsiklo dahil ang baterya na ikinabit dito ng manufacturer ay para lamang sa mga isinama nilang ilaw at busina at pagbukas sa makina ng sasakyan.

Kapag tumagal, maaaring mapuwersa ang baterya at alternator nito na magreresulta sa agarang pagkakasira nito.

MOTORISTA
Gas ng 150CC
ILANG kilometro ba sa isang litro ng gasolina ang tatakbuhin ng 150cc?  Ilang kilometro ba ang tatakbuhin para magpalit na ito ng langis?
I.V.L. ng Iligan City

BANDERA
MALAKING makina ang 150cc at sa normal na takbo ay baka umabot ito ng 50km o mas mababa pa sa bawat litro ng gasolina.
Kapag bago pa ay puwede ang 3,000kms bago magpaligt ng langis.  Para sa branded 150cc, sumangguni sa manual nito.
——————
MAY reklamo ka ba sa E-10 gasoline, peke at substandard na piyesa, at ilang bagay hinggil sa fuel, lubricants, motor, atbp?  I-text sa 0917-8446769

Classifieds Motor
Parts Wave 125 2006 0907-6099551
Skeleton X-4 (P13K) 0912-6321790

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

PARA sa inyong mga riders, mechanics, motorcycle salesmen, parts distributor at insurance companies ang Bandera Motor Section Classifieds. Puwede ninyong i-text ang inyong ibinebentang motor sa BMS Classifieds at libre ito (one liner lamang).  Halimbawa: YAM Mio P40 (cell phone number).  Kung gusto ninyong makipagpalit, text: SWAP XRM 2010 (cell phone number).  Kung gusto ninyong i-text ang inyong serbisyo, i-text: MECHANIC Sam (cell phone number).  VINTAGE bike (cell phone number).  PARTS (cell phone number).  INSURANCE (cell phone number).  I-text ang mga ito sa 0917-8446769

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending