Pistons nagpalit ng coach, binigo ang Spurs
AUBURN HILLS, Mich. — Nagpalit ng coach ang Detroit Pistons at nagtulong-tulong ang koponan na bigyan ng 109-100 panalo si interim coach John Loyer laban sa bisitang San Antonio Spurs kahapon sa NBA.
Umiskor ng 21 puntos si Brandon Jennings para pangunahan ang Pistons at nagdagdag naman ng 20 puntos si Rodney Stuckey at may 15 puntos at 10 rebounds si Greg Monroe.
Sinipa ng Pistons bilang head coach si Maurice Cheeks noong Linggo matapos na ihatid ang koponan sa 21-29 record lamang.
Si Marco Belinelli ay may 20 puntos para sa Spurs na naglaro nang wala ang mga injured players na sina Manu Ginobili, Kawhi Leonard at Tiago Splitter.
Raptors 108, Pelicans 101
Sa Toronto, kumulekta ng 19 puntos at 12 assists si Kyle Lowry habang si Patrick Patterson naman ay umiskor ng season-high 22 puntos para sa Raptors.
Nag-ambag naman ng 22 puntos ang All-Star forward na si DeMar DeRozan para sa Toronto (27-24) na kasa-lukuyang na ikatlong puwesto sa Eastern Conference sa likod ng Indiana Pacers (40-11) at Miami Heat (35-14).
Si Tyreke Evans ay may 23 puntos at 10 assists at si All-Star Anthony Davis ay may 19 points para sa Pelicans.
( Photo credit to INS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.