Bukod sa Wil Tower, Willie busy sa pagpapatayo ng bagong hotel sa Tagaytay | Bandera

Bukod sa Wil Tower, Willie busy sa pagpapatayo ng bagong hotel sa Tagaytay

Cristy Fermin - February 10, 2014 - 03:00 AM


Tapos na ang pagpapa-executive check-up ni Willie Revillame, paglabas sa ospital ay tumuloy agad siya sa kanyang bahay sa Tagaytay, kailangan niyang samahan ang pagdedeliber du’n ng mga bagong muwebles na inorder pa niya sa ibang bansa para sa nalalapit na pagbubukas ng kanyang hotel du’n.

‘Yun naman ang katangian ni Willie na wala ang iba, pinaplano niya ang kanyang buhay, ngayong taon pa lang na ito ay nakaplantilya na ang mga gagawin niya sa susunod na tatlong taon.

May itinatayong hotel ngayon na malapit lang sa dinadayong Palace In The Sky sa Tagaytay, sa tabi nu’n mismo ang hotel ni Willie, sabi nga niya ay napakagandang tingnan ang tanawin sa ibaba kapag nasa ituktok ka na ng Wil On Top.

Bukod du’n ay sinisimulan na ring hukayin ang pundasyon ng isa pang gusaling ipinatatayo niya sa Quezon City, katabing-katabi lang ‘yun ng Wil Tower Mall, limang taon na ang nakararaan nang mabili niya ang loteng ‘yun na nasa tagiliran din ng ABS-CBN.

Malapit nang makumpleto ang pinagsosyohan nilang Twin Tower ni Senator Manny Villar, panalong-panalo ‘yun kapag operasyonal na, bibihira ang ganu’ng establisimyento sa lunsod ng Quezon.

“Utay-utay lang, matatapos din ang lahat ng mga building, sino ba ang mag-iisip na buong-buo na ngayon ang Wil Tower Mall, kabilis! Ni hindi ka nga maiinip, buo na pala, operational na!” balita pa ng aktor-TV host na kinasasabikan nang bumalik sa telebisyon ng kanyang mga tagasuporta.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending