Kasalang Jericho-Kim Jones mamalasin dahil sa sumpa ng Beach Wedding
HINDI natatakot si Jericho Rosales na baka malasin ang kasal nila ni Kim Jones dahil sa desisyon nila na sa beach ganapin ang kasal nila. Unang-una hindi raw naniniwala sa mga pamahiin si Echo.
Marami kasi ang nagsasabi na baka matulad din sila sa ibang showbiz couple na naghiwalay dahil sa beach wedding. Ayon kasi sa paniniwala ng ilan, may dalang “sumpa” raw ang kasalan na ginaganap sa dagat, karamihan daw kasi ng mga mag-asawang ikinasal sa beach ay nasisira ang relasyon.
Pero sey ni Jericho, hindi sila naniniwala ni Kim sa mga ganitong pamahiin, “Hindi kami naniniwala sa pamahiin, e. Parang our life defends on pamahiin, that’s not true or I mean, that’s not right, ‘di ba? It depends on how you handle the relationship.”
Sa presscon ng “ABNKKBSNPLAko?! (Aba Nakakabasa Na Pala Ako?!)” na pinagbibidahan nina Echo at Andi Eigenmann under Viva Films, kitang-kita ang kaligayahan sa itsura ng aktor, handang-handa na siya sa pagpasok sa panibagong kabanata ng kanyang buhay – ang pagkakaroon ng sariling pamilya.
“Because God is the God of unity and it’s just a relationship that was united by God. Blessed by Him and I believe in one woman for my life, for me,” aniya.
Sa mga kasabayan ni Echo sa showbiz, tulad nina Piolo Pascual at Diether Ocampo, mukhang siya lang talaga ang sinuwerte agad sa pakikipagrelasyon, kung hindi kami nagkakamali, siya ang unang ikakasal sa batch nila.
Sa May 1 na ang kasal nina Echo at Kim, bakit nga kaya Labor Day ang napili nilang date? “We’ve just decided. I think, noong nag-propose ako sa kanya, we’ve decided, I think, wala pang isang linggo. We’ve decided we have a date, May 1.”
Samantala, ang pelikulang “ABNKKBSNPLAko?!” ang huling pelikula ni Jericho bilang binata, at asahan na natin na baka matagalan muna bago ito masundan dahil nga bibigyan niya muna ng sapat na panahon ang kanyang pag-aasawa.
“Yeah and my project after I get married, I’m still waiting. You know, parang everybody has been saying, after you get married, ganyan-ganyan… parang it’s the end of the world.
Parang for me, it’s the beginning of great things. I have projects lined up and mas energized ako to work,” paliwanag ng aktor.
Meron na ba silang listahan ng kanilang mga ninong at ninang? “Meron na, but I don’t want to announce muna.
We’ve opted not to announce anything yet, in terms of attendance, just so everything’s quiet for now and the guests won’t get pressured or stressed or anything.”
Sey pa ng Kapamilya actor, wala pa silang plano ni Kim para sa kanilang honeymoon. Samantala, puro magaganda at promising comments ang naririnig at nababasa namin tungkol sa “ABNKKBSNPLAko?!” na base nga sa libro ni Bob Ong na ipapalabas na sa mga sinehan simula sa Feb. 19 nationwide kung saan kasama rin sina Vandolph, Meg Imperial at marami pang iba, directed by Mark Meily.
Nagkaroon kasi ng special screening ang pelikula sa UP Diliman at nagkakaisa ang lahat ng nakapanood sa pagsasabing napakaganda ng movie na binigyan nga ng Grade A ng Cinema Evaluation Board. Kuwento nga ni Echo, “Tawa nang tawa ang mga estudyante.
I wanna thank the students of U.P. for attending, punung-puno ang sinehan.”
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.