Laro Bukas
(Araneta Coliseum)
8 p.m. Barangay Ginebra vs San Mig Coffee
MULING naungusan ng San Mig Coffee ang Barangay Ginebra San Miguel sa isang dikitang labanan sa pagtala ng 79-76 panalo sa Game 5 at mangailangan na lamang ng isang panalo para makapasok sa Finals ng PBA Philippine Cup kahapon sa kanilang laro na ginanap sa Smart Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.
Si James Yap, na sumablay sa kanya sanang game-tying triple sa huling mga segundo ng Game 4, ay nakapagbuslo ng go-ahead three-pointer mula sa left wing para ibigay sa Mixers ang 78-76 kalamangan may 13.4 segundo ang nalalabi sa laro.
Si Yap ay nagtapos na may 10 puntos para makasama ang apat na iba pang San Mig Coffee players na umiskor ng double-figures na pinangunahan ni Mark Barroca na gumawa ng 14 puntos.
“[The game] should come down to the last possession and it came down to a James Yap three-point shot. In the old days it was Alvin Patrimonio making a big post move or something and nowadays it’s James Yap,” sabi ni San Mig Coffee head coach Tim Cone.
“Nice pass by Mark (Barroca) he could have forced something. He knew it was an option. Mark just played wonderful defense on LA Tenorio in that last possession and it worked for us.
It was hard to stay calm in the ball game. Crowd was going nuts and I’m happy I’m just a part of it,” dagdag pa ni Cone.
Pinamunuan naman ni Chris Ellis ang Gin Kings sa kinamadang 20 puntos.
( Photo credit to PBA Images )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.