Horoscope February 08, 2014 | Bandera

Horoscope February 08, 2014

Madam Sophia - February 08, 2014 - 02:19 PM

Para sa may kaarawan ngayon: Magbibigay ng kakaibang ligaya ang kayamanan sa iyong buhay na sigurado naming mangyayari sa iyong kapalaran. Dahil ang mga taong isinilang sa petsang 8 ay talaga namang yumayamn. Sa pag-ibig, kung laging masaya ang suyuan  mas maraming pera ang darating. Mapalad ang 4, 17, 25, 31 35, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Santura-Om.” Yellow at green ang buenas.
 
Aries – (Marso 21-April 19)—Itaas pa ng itaas ang pangarap, dahil sa summer na ito ang lahat ng iyan ay isa-isa ng matutupad. Dahil init o fire ang elementong nangingibabaw sa zodiac sign sa panahong ito may pangako ng mas maunlad na karanasan. Mapalad ang 6, 9, 18, 27, 36, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Arjuna-Om.” Orange at blue ang buenas.

 Taurus – (April 20-May 20)— Wag ma-sad kahit unti-unti ng nauubos ang pera. Pagpasok ng buwan ng Marso hanggang hanggang Mayo, muling aangat ang kabuhayan. Sa pag-ibig, puwede ng pagtsagaan ang isang Virgo. Mapalad ang 3, 9, 17, 26, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Red at pink ang buenas.

 Gemini – (May 21-June 21)—Kahit na pumalpak ang diskarte nuong nakaraan mga araw, hindi masama kung magsisimula ka uli ngayon. Magdagdag ng investment upang madagdagan ang kita. Sa pag-ibig, wag ng ulitin ang nakaraang pagkakamali. Mapalad ang 1, 7, 19, 25, 34 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Kubera-Regama-Mayabeeja”. Green at orange ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)—Lakas ng loob ang kailangan upang yumaman. Sa pag-ibig, wag mahirati sa pag-iisa, kung magkakaroon ka ng kaparehang isinilang sa petsang 5, 14, at 23, mas mabilis kang yayaman at liligaya. Mapalad ang 5, 14, 23, 34, 44, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Namo-Devadhi.” White at purple ang buenas.

Leo (July 23 – August 22)—Sa panahong ito ng tag-araw, samantalahin ang magagandang pagkakataong dumarating. Magagawa mo na ngayong doblehin ang iyong income. Sa pag-ibig, may umaalis upang pagkatapos may dumating na mas masaya. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: Egosum-Obre-Egosum-Ente” Maroon at lilac ang buenas

Virgo – (August 23 – September 22)— Sa panahong ito ng tag-araw, iwasan ang illicit love affair. Wag makipag-landian kung kanikanino. Sa panansiyal, nakapagtatakang habang dumadami ang tukso patuloy namang uunlad at sasagana ang kabuhayan. Mapalad ang 5, 18, 27, 36, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Harim-Haribol-Aum.” Silver at purple ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)— Ingatan ang natitirang salapi! Wag kang gastos ng gastos ng walang kabuluhan. Sa pag-ibig, ipatago ang hawak na pera sa kasuyong kuripot upang mapaglaanan  ang kinabukasan ng pamilya. Mapalad ang 5, 10, 31, 34, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Sacheda-Ramada-Om.” Metallic blue at violet ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—      Hindi pa tapos ang iyong suwerte. May darating pang mas malaki sa pagpasok ng buwan ng Marso hanggang Abril. Sa pag-ibig, muling mag-aalab ang relasyon habang umiinit ang panahon. Mapalad ang 3, 15, 21, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Akaye-Aum Savitre.” Red at green ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Tanggapin ang inaaalok na paglalakbay ng isang kaibigan. Sa malayong lugar, matatagpuan ang kapayapaan ng isipan at  magandang kapalaran. Mapalad ang 4, 13, 22, 31, 40 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum- Padha-Bhuti-Om.” White at beige ang buenas.
 
Capricorn – (December 22 – January 19)—   Wag sumawsaw sa suliranin ng iba! Upang umunlad, umiwas sa pakikipag-tsismisan. Sa pag-ibig, ituloy mo lang ang masayang relasyon ninyo ng kasuyong Virgo kahit na maraming lihim na naiingit. Mapalad ang 4, 14, 27, 33, 38 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Yellow at violet ang buenas.
 
Aquarius – (January 20 – February 18)—Walang ano-ano biglang mapapasa iyo ang magagandang kapalaran. Mamayang gabi, sa harap ng altar magsindi ng kulay green na kandila at ipagpasalamat ang lahat ng mga biyayang natanggap. Mapalad ang 6, 15, 24, 33, 42, at 45. Mahiwaga mong mantra: “Om-Rama-Aum-Krisna.” Bukod sa green buenas ang yellow.

Pisces – (February 19 – March 20)—Sa negosyo, sa pagiging negatibo maraming mawawalang oportyunidad. Sa pag-ibig, kung lagi kang nagdududa paano ka makakasumpong ng maligayang pag-ibig? Mapalad ang 8, 19, 29, 34, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Ara-Han-Tha-Anam-Om”. Gold at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending