Knockout Win hanap ni Pacman | Bandera

Knockout Win hanap ni Pacman

Mike Lee - February 08, 2014 - 03:00 AM

TAONG 2009 pa huling nakapagtala ng knockout na panalo si Manny Pacquiao. Limang taon makalipas na patulugin si Miguel Cotto, balak ni Pacquiao na makaukit uli ng ganitong panalo para patunayan sa lahat na taglay pa niya ang killer’s instinct.

“Bradley says I don’t have the killer instinct anymore. Maybe he’s right. Maybe I’m just too kind to my opponents in the ring. With God’s grace, in this one, I need killer instinct,” wika ni Pacquiao sa ikalawa at huling press conference para sa rematch nila ni World Boxing Organization welterweight champion Timothy Bradley sa New York City noong Huwebes (US time).

Sa unang pagkikita ng dalawa sa Los Angeles ay nasabi ni Bradley na nawala na ang bangis ni Pacquiao dahil wala na siyang naitalang KO panalo sa kanyang huling mga laban.

“The fact I said he’s too compassionate is just how he is. That’s his personality now. He wants to get that fire going in this fight and I hope he does,” tugon ng walang talong si Bradley.

Sa Abril 12 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada, USA gagawin ang tagisan ng dalawang boksingerong nagtuos na noong 2012 at nanalo si Bradley sa kontrobersyal na split decision.

Pero malaki na ang iniunlad ni Bradley kung paglaban ang pag-uusapan dahil tinalo niya sina Ruslan Provodnikov at Juan Manuel Marquez sa huling dalawang laban para mapanatili ang titulo.

Si Pacquiao na natalo kay Marquez sa pamamagitan ng sixth-round KO sa ikalawang laban noong 2012 ay galing sa unanimous decision panalo kay Brandon Rios noong nakaraang Nobyembre.

“Frankly, Manny got pissed off at that. He thought it was disrespectful,” wika ni trainer Freddie Roach sa pahayag ni Bradley na wala na ang killer’s instinct ng Pinoy multi-division world champion.

I’ve had a lot of talks with him and I’m sure it’s not going to happen again. Manny’s goal now is to put on exciting fights and to get back to stopping guys,” ani pa ni Roach.

Tiwala naman si Bob Arum na CEO ng Top Rank na siyang maghahandog ng labang ito ay panonoorin ng mga panatiko sa boxing ang nasabing laban.

Inanunsyo rin ng beteranong promoter na 70% na ang naubos sa tiket matapos ilako ito sa publiko noong Miyerkules habang ang Pay Per View ay maghahatid din ng magandang resulta.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“April 12 is going to be a wonderful night and something really special for the sport of boxing,” banggit pa ni Arum.

( Photo credit to INS )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending