Solenn game sa Tomboyan; pero hindi basta basta pumapatol | Bandera

Solenn game sa Tomboyan; pero hindi basta basta pumapatol

Ervin Santiago - February 08, 2014 - 03:00 AM


PAYAG si Solenn Heussaff na gumawa ng proyektong may tema ng katomboyan. Kapag daw may nag-offer sa kanya na gumanap na tibo o lover ng tomboy ay tatanggapin daw niya agad.

Pagkatapos pumirma ni Solenn ng bagong kontrata sa GMA 7 kamakailan, nakachika namin ang Kapuso actress at dito nga niya naikuwento ang ilang mga plano sa kanya ng Siyete, kabilang na ang mga susunod niyang teleserye.

Natanong namin si Solenn kung sino sa mga Kapuso leading man ang gusto niyang makatambal sa next project niya, sey ng sexy TV host-actress, kahit sino raw pwede. Ke bata, ke matanda, ke bakla o tomboy, okay daw sa kanya.

“Pwede ring babae sa babae! Game ako diyan,” hirit ng sexy actress. Basta raw maganda ang project at matsa-challenge siyang gawin, hindi raw siya mag-iinarte. Go lang daw siya nang go.

Agree naman diyan ang mga GMA executives na present sa nasabing contract signing, lalo na si Ms. Lilybeth Rasonable, GMA Entertainment TV Senior Vice President.

Aniya, talaga raw bilib sila sa pagiging professional ni Solenn, wala raw itong kaarte-arte sa katawan. Kaya nga tatlong taon agad ang pinirmahan nitong kontrata sa kanila dahil alam nilang maraming-marami pa raw pwedeng ipakita ang aktres sa publiko.

Nu’ng mabanggit naman ang pangalan ni Dennis Trillo na isa sa posibleng maging ka-loveteam niya sa next soap opera niya, chika ni Solenn, “Ay, oo siya, gusto ko siya.

Gustung-gusto ko siyang makatrabaho uli.” Una silang nagkasama noon sa pelikulang “Yesterday Today & Tomorrow” ng Regal Films at maganda ang ipinakita nilang chemistry sa said movie.

Samantala, natutuwa naman ang GMA dahil sa pagiging loyal sa kanila ni Solenn, “In my family we always believe in remaining loyal to those who support you.

“Since GMA gave me my first break on TV, kahit I didn’t speak tagalog dati, I never had any experience in showbiz, they gave me the opportunity to be part of showbiz.

Naging family na talaga. Even if I had offers from others, I still chose GMA because I started with them and I believe in being loyal.”

Tatlo ang regular shows ngayon ni Solenn, ang Sunday All Stars sa GMA 7,  Taste Buddies sa GMA News TV with Isabelle Daza, at ang primetime series na Adarna kung saan gaganap siya bilang Ibong Adarna.

Makakasama niya rito sina Kylie Padilla, Geoff Eigenmann, Mikael Daez at Benjamin Alves. Kuwento nga ng dalaga, “Sa first taping day pa lang, sobrang easy na.

Nung pumasok ako, we are all friends. Fun sa set and they help me with my lines. Very helpful sila.” Samantala, nangako si Solenn na mas pagbubutihin pa niya ang pagsasalita ng Tagalog para mas lumawak pa ang mga roles na pwede niyang gawin.

Inamin niya na ang kanyang dila talaga ang sagabal sa pagtanggap niya ng mas challenging at mas meaty roles. Pero hindi raw talaga siya tumitigil sa pag-aaral.

“Still working on my tounge. I want to learn more Tagalog words and how to say in correctly. But just the same, I’m very grateful to GMA na isinama nila ako sa Adarna kahit na bulol-bulol pa ako.

But I’m doing my best to give justice as Ibong Adarna,” paliwanag pa ng dalaga. Present din sa ginanap na contract signing sina GMA Chairman and Chief Executive Officer Atty. Felipe L. Gozon, GMA President and Chief Operating Officer Gilberto R. Duavit, Jr., GMA Vice President for Entertainment TV Marivin T. Arayata, GMA Assistant Vice President for Alternative Productions Gigi Santiago-Lara, GMA Assistant Vice President for Corporate Communications Angela Javier Cruz, Entertainment TV Program Manager Charles Koo and Solenn’s manager Leo Dominguez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending