Marian: Basta ang fans ko, mabubuti talaga silang tao! | Bandera

Marian: Basta ang fans ko, mabubuti talaga silang tao!

Dinno Erece - February 08, 2014 - 03:00 AM


Nagpapasalamat si Marian Rivera na matitino ang mga fans niya. Here is Marian’s reaction sa mga haters/bashers niya online and we’re quoting in full: “Siguro kung may mga taong gumagawa ng masama para sa kapwa nila, hayaan na lang natin. Hindi naman natutulog ang Diyos eh.

Alam ng Diyos kung sino ang dapat niyang pakinggan at pag-bigyan. “Kapag ang tao ay punong-puno ng pagmamahal sa sarili niya, wala na yata siyang makikitang ni katiting na kapintasan sa ibang tao at sa punto ko sa buhay ko ngayon masaya ako at ang puso ko ay punung-puno ng pagmamahal.”

Nang kumalat sa social media ang balitang namatay daw sa isang car accident ang Kapuso Primetime Queen, agad na umalma ang loyal supporters ni Marian. Ano kaya ang masasabi niya rito?

“Yan ang pinagmamalaki ko sa fans ko. Hindi sila gagawa ng anumang ikasisira ng ibang artista. Basta ang fans ko, mabubuti ang kanilang puso kaya naman lalo ko silang minamahal. Hindi kailangang manakit ng ibang tao.”

Wednesday dapat ito lumabas sa “Chika Minute” portion ng 24 Oras ng GMA but was moved to Thursday lang. Ayon na rin kay Lhar Santiago na nakatsikahan namin sa isang press con, very cool naman daw si Marian when she’s being interviewed at walang angst.

Napagsabihan na rin yata ni Marian ang mga fans niyang huwag itong patulan dahil lalaki lang talaga yan if they did. Anyways, sayang at hindi kami makakasama tomorrow, Feb. 9, sa promo tour ng Carmela sa Naga at Albay, kung saan the main partner of the soap the Primetime Queen and Alden Richards plus James Wright, the guy who sang the Carmela theme song, will be gracing the event.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending