Ang korapsyon ngayon sa customs | Bandera

Ang korapsyon ngayon sa customs

Ramon Tulfo - February 08, 2014 - 03:00 AM

IPINAKITA ni Pangulong Noy na ginagawa niya ang kanyang sinesermon.

In English, he practices what he preaches.

Nang pumunta si P-Noy sa Land Transportation Office (LTO) upang magpa-renew ng kanyang driver’s license, siya’y pumila.

Hindi niya ginamit ang kanyang kapangyarihan, ang kanyang pagiging Presidente upang mapadali ang pagbigay ng bagong lisensiya sa kanya.

Sinusunod ni P-Noy ang kanyang kautusan na “walang wang-wang” o paggamit ng kapangyarihan o impluwensiya upang makauna sa iba.

Si P-Noy ay hindi abusado at hindi corrupt, pero ewan natin kung masasabi yan sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Kung ginawa sana ni Pangulong Marcos ang kanyang sinesermon sa taumbayan, baka naging bayani pa siya sa halip na kamuhian ng bansa.

Kung sinunod lang ni Marcos at ng kanyang asawa na si Imelda ang mga alituntunin ng “Bagong Lipunan,” baka hindi sila nakalimutan ng taumbayan.

In fairness to Marcos, may mga pagbabago ang Pinoy sa Bagong Lipunan: Ang mga Pinoy ay luminya sa pagsakay ng bus at jeepney, ang batas trapiko ay sinunod, mga pulis sa Metro Manila ay takot na mang-abuso sa mamamayan dahil mabilis ang parusa, bumaba ang krimen lalo na ang drug trafficking at drug pushing.

Alam ko ito dahil ako’y police reporter noong panahon ng martial law.

Ang problema sa mag-asawang Marcos ay sila ang pasimuno sa pangungurakot sa gobiyerno sa halip na maging halimbawa ng honest governance.

They took advantage of their absolute power.

Ang mga kamag-anak at kaibigan ni Imelda ay nagkamal ng malaking salapi sa gitna ng paghihirap ng taumbayan.

Parang sinabi ni Marcos, “Gawin ninyo ang aking utos sa inyo, huwag ninyo akong gayahin.”

Ngayon ay may lider tayo, si P-Noy, na nagsasabi, “Tularan ninyo ako.”

Pero ang kampanya ni P-Noy na linisin ang Bureau of Customs ay hindi kapani-paniwala kapag hindi niya pinipili ang mga tamang mga tao na nagpapatakbo nito.

Halimbawa, itong si Agaton Teodoro Uvero na deputy customs commissioner for assessment, operations coordinating group (AOCG), at Arnulfo Gambayan na director ng import assessment services (IAS), diumano’y magkabakas sa negosyong customs brokerage.

Sa madaling salita, conflict of interest.

Ang kanilang mga karibal na customs brokers ay umaangal na inaantala nila ang pag-release ng kargamiyento na hindi hinahawakan ng kanilang brokerage firm.

Ang pangalan ng kanilang brokerage firm ay First Logistic, na kanilang itinayo matapos silang malagay sa puwesto kamakailan.

Ang kanilang mga asong ulol ay mga taong nagngangalang Dolly at Chito, dalawang clerks sa IAS na may immoral na relasyon.

Itong sina Dolly at Chito ay nag-chuchucho kina Uvero at Gambayan sa mga kargamiyento na hindi hawak ng First Logistic.

P@#$%^&! Paano mapatino ni P-Noy ang Bureau of Customs kung mga taong gaya ni Uvero at Gambayan ay humahawak ng mga maselang puwesto?

Itong sina Uvero at Gambayan ay nagmamalinis. Sinasabi nila na ang korapsyon ay nangyari noong panahon ni Ruffy Biazon bilang customs commissioner.

Wala na raw lagayan sa panahon ni Commissioner John Sevilla.

Hindi naman daw sinusunod nina Uvero at Gambayan si Sevilla.

Sabi ng ilang customs insiders, tae raw ang turing nila kay Sevilla na sinasabi nila ay “babakla-bakla.”

Tambak daw ng mga tao sa opisina ng IAS dahil sa pagpa-follow up ng mga kargamiyento na hino-hold ng opisina ni Gambayan.

Kung di raw maglagay ay hindi raw binibigyan ng release order ang kargamiyento kahit na bayad na sa tamang taripa ito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending