Aksidente sa pabrika | Bandera

Aksidente sa pabrika

Lisa Soriano - February 07, 2014 - 03:00 AM

AKO po ay isang factory worker. Sa di inaasahang pangyayari ay nagkaroon ng aksidente sa factory at isa po ako sa naapektuhan.
Gusto ko lang itanong sa ECC kung ako ba ay sakop ng kahit anong benepisyo mula sa ECC? Nangyari ang aksidente sa oras ng trabaho.
Mabigyan nawa ng linaw ang aking katanungan.
Salamat po.
Benjamin

REPLY: Nais po naming ipabatid na sakop ng Employees’ Compensation Program (ECP) ang mga pagkakasakit o pagkakaaksidente na kaugnay sa trabaho ng isang manggagawa.
Base sa inilahad mo, Benjamin, kung ikaw ay interesadong mag-file ng EC claim ay pumunta ka SSS branch na malapit sa iyo.
Sa SSS dapat i-file ang EC claim. Ang mga forms ay available sa SSS at pwede mo rin i-download sa ECC website: www.ecc.gov.ph. Makikita mo rin sa aming website ang mga requirements o kinakailangang papel para ikaw ay makapag-file ng EC claim para sa natamo mong aksidente.
Para po sa inyong kaalaman, may mga pagkakataon din na hindi binabayaran ang pagkakasakit o pagkakaaksidente ng isang manggagawa sa nangyaring kaugnay sa trabaho kung ang dahilan nito ay: (1) ang kanyang kalasinganl (2) ang kanyang kusang pagpinsala, pagpatay sa sarili o sa iba; at (3) ang kanyang labis na kapabayaan.

Para po sa iba pang katanungan, maari po kayong tumawag sa 899-42-51 o 52 o mag-email sa [email protected].
Maraming salamat po.
Information and Public
Assistance
Division
Employees’ Compensation Commission
Facebook:www.facebook.com/ecc.official
telefax
No. 897-75-97

Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag- lingkuran sa abot ng aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City.
Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected] Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending