KUMPIRMADO!!! Nu’ng Martes nang hapon ay opisyal nang Kapatid ang Megastar na si Sharon Cuneta!
Pagkatapos ng mga patagilid na sagot sa mga tanong noon kung totoo bang hindi na siya nag-renew ng kontrata sa ABS-CBN dahil lilipat na siya sa TV5 ay heto, pumirma na ng limang-taong kontrata sa Kapatid network ang Megastar.
Dalawang kamay siyang tinanggap ng mga ehekutibo ng network nu’ng Martes nang hapon sa ika-21 na palapag ng Meralco Building sa Global City, mainit siyang kinamayan at niyakap nina Attorney Ray C. Espinosa, Mr. Bobby Barreiro, Sir Perci Intalan at ng tagapamuno ng Viva Films na si Boss Vic del Rosario, na naging daan para sa paglipat niya sa TV5.
Dalawang buwan na ang nakararaan nang umingay ang kuwento tungkol sa paglipat ng Megastar sa bakuran ng TV5, pero tuwing tinatanong naman siya tungkol du’n, bilang respeto sa Dos ay wala siyang kinukumpirma.Ang palagi lang niyang sinasabi ay wala pang napag-uusapan, wala pang alok ang TV5, kaya pansamantala ay nasa bakuran pa rin siya ng ABS-CBN.
Nag-isyu rin ng pahayag noon ang Dos na imposibleng lumipat si Sharon sa TV5 dahil meron pa siyang gagawing proyekto sa istasyon.
Pero may niluluto nang tahimik na pag-uusap noon sa pagitan ng mga ehekutibo ng TV5 at ni Boss Vic del Rosario, pinag-aaralan nilang mabuti ang kontrata ng Megastar sa paglipat, hanggang sa maplantsa na nga ang lahat-lahat at naging pormal na ang pagpirma ng kontrata ni Sharon nu’ng Martes nang hapon.
Isang napakalaking karagdagan para sa TV5 ang pagdating ng Megastar sa kanilang bakuran, anuman ang sabihin ng iba diyan ay iba ang dating ni Sharon Cuneta, maningning pa rin ang kanyang bituin na mas pagniningningin pa ng TV5 ngayong isa na siyang Kapatid.
Ang tanong ng marami ngayon, magkano raw naman ang kakambal na halaga ng paglipat ni Sharon Cuneta sa TV5, totoo raw ba ang kuwentong kumakalat ngayon na isang bilyong piso ang katapat ng limang-taong kontratang pinirmahan niya sa Kapatid network?
Kung kami ang tatanungin ay hindi ‘yun imposible, dalawang dahilan lang ang puwede naming sabihin kung bakit, posibleng totoong-totoo nga ang pigurang isang bilyong piso sa kontratang ito.
Una ay marespeto ang TV5 sa kapasidad ng mga personalidad na kanilang kinukuha-tinatanggap sa kanilang bakuran, ikalawa, si Sharon Cuneta saanmang argumento daanin ay si Sharon Cuneta pa rin na bituing may ningning at masarap tayaan ng puhunan dahil siguradong magbabalik ng tubo sa kompanya.Welcome sa Kapatid network, Sharon Cuneta!
Sharon P1-B ang nasingil na talent fee sa TV5?
KUMPIRMADO!!! Nu’ng Martes nang hapon ay opisyal nang Kapatid ang Megastar na si Sharon Cuneta! Pagkatapos ng mga patagilid na sagot sa mga tanong noon kung totoo bang hindi na siya nag-renew ng kontrata sa ABS-CBN dahil lilipat na siya sa TV5 ay heto, pumirma na ng limang-taong kontrata sa Kapatid network ang Megastar.
Dalawang kamay siyang tinanggap ng mga ehekutibo ng network nu’ng Martes nang hapon sa ika-21 na palapag ng Meralco Building sa Global City, mainit siyang kinamayan at niyakap nina Attorney Ray C. Espinosa, Mr. Bobby Barreiro, Sir Perci Intalan at ng tagapamuno ng Viva Films na si Boss Vic del Rosario, na naging daan para sa paglipat niya sa TV5.
Dalawang buwan na ang nakararaan nang umingay ang kuwento tungkol sa paglipat ng Megastar sa bakuran ng TV5, pero tuwing tinatanong naman siya tungkol du’n, bilang respeto sa Dos ay wala siyang kinukumpirma.
Ang palagi lang niyang sinasabi ay wala pang napag-uusapan, wala pang alok ang TV5, kaya pansamantala ay nasa bakuran pa rin siya ng ABS-CBN. Nag-isyu rin ng pahayag noon ang Dos na imposibleng lumipat si Sharon sa TV5 dahil meron pa siyang gagawing proyekto sa istasyon.
Pero may niluluto nang tahimik na pag-uusap noon sa pagitan ng mga ehekutibo ng TV5 at ni Boss Vic del Rosario, pinag-aaralan nilang mabuti ang kontrata ng Megastar sa paglipat, hanggang sa maplantsa na nga ang lahat-lahat at naging pormal na ang pagpirma ng kontrata ni Sharon nu’ng Martes nang hapon.
Isang napakalaking karagdagan para sa TV5 ang pagdating ng Megastar sa kanilang bakuran, anuman ang sabihin ng iba diyan ay iba ang dating ni Sharon Cuneta, maningning pa rin ang kanyang bituin na mas pagniningningin pa ng TV5 ngayong isa na siyang Kapatid.
Ang tanong ng marami ngayon, magkano raw naman ang kakambal na halaga ng paglipat ni Sharon Cuneta sa TV5, totoo raw ba ang kuwentong kumakalat ngayon na isang bilyong piso ang katapat ng limang-taong kontratang pinirmahan niya sa Kapatid network?
Kung kami ang tatanungin ay hindi ‘yun imposible, dalawang dahilan lang ang puwede naming sabihin kung bakit, posibleng totoong-totoo nga ang pigurang isang bilyong piso sa kontratang ito.
Una ay marespeto ang TV5 sa kapasidad ng mga personalidad na kanilang kinukuha-tinatanggap sa kanilang bakuran, ikalawa, si Sharon Cuneta saanmang argumento daanin ay si Sharon Cuneta pa rin na bituing may ningning at masarap tayaan ng puhunan dahil siguradong magbabalik ng tubo sa kompanya.
Welcome sa Kapatid network, Sharon Cuneta!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.