No more Mr. Nice Guy against Bradley | Bandera

No more Mr. Nice Guy against Bradley

Mike Lee - February 06, 2014 - 03:00 AM

SA opisyal na pagkikita nina Manny Pacquiao at Timothy Bradley, harapan na sinabi ng una sa huli na hindi na siya matatalo nito. “The only way Bradley can beat me this time is to knock me out,” wika ni Pacquiao sa una sa dalawang press conference na ginawa noong Martes (US time) sa Beverly Hills, California.

“He cannot outbox me. I will be the aggressor, I will throw a lot of punches at him more than I threw against Rios and I will land them. Last time, I was too nice, this time, I will finish what I start,” mas mainit pang pahayag ni Pacquiao.

Masidhi ang hangarin ni Pacquiao (55-5, 38 knockouts) na manalo sa rematch na itinakda sa Abril 12 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas upang maisantabi ang kontrobersyal na split decision pagkatalo sa unang pagtutuos noong Hunyo 2012 para maagaw ni Bradley ang hawak na WBO welterweight title.

Sa pagkakataong ito ay ang walang talong American boxer ang magtataya ng titulo at minaliit din niya ang mga sinabi ng Kongresista ng Sarangani Province.

“This is all about redemption,” pahayag ni Bradley (31-0, 12 KOs). “I’m going to beat him again. I am younger and a better fighter. Manny fights for the money. I have the hunger to win.”

Matapos talunin si Pacquiao ay umani pa ng dalawang panalo si Bradley laban kina Ruslan Provodnikov (unanimous decision) at Juan Manuel Marquez (split decision).

Ang huling panalo kay Marquez ang siyang pinagbabasehan ni Bradley kung bakit siya mananalo. Si Marquez ang nagpalasap ng ikalawang sunod na pagkatalo kay Pacquiao noong 2012 sa kamangha-mangha na sixth-round knockout.

Saludo naman si Pacquiao sa paghusay pa ni Bradley pero ibang Pacman ang kanyang sasagupain sa pagkakataong ito.
“Boxing has always been fun for me. This time the fun is secondary.

This is a mission to prove I am the best. I want to get back that belt he won off me,” diin pa ni Pacquiao. Galing sa unanimous decision si Pacquiao laban kay Brandon Rios noong Nobyembre at ramdam ng tubong General Santos na naroroon uli ang kanyang bilis at lakas sa magkabilang kamao.

Magkikita uli sina Pacquiao at Bradley sa ikalawang press conference sa Huwebes (US time) sa New York at matapos nito ay magsisimula na sila sa kanilang paghahanda.

( Photo credit to INS )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending