Julia Montes walang paki kung itatambal si Coco kay Kim | Bandera

Julia Montes walang paki kung itatambal si Coco kay Kim

Ervin Santiago - February 06, 2014 - 03:00 AM


WALANG paki si Julia Montes kung sabihin man ng publiko na “supporting” na lang ang magiging role niya sa bago niyang teleserye sa ABS-CBN. Ang tinutukoy namin ay ang Ikaw Lamang na pagbibidahan nina Coco Martin at Kim Chiu under Dreamscape Entertainment.

Marami kaming nababasa sa mga social networking site na nalulungkot para kay Julia, nagtatanong sila kung bakit daw siya pumayag na maging second lead star lang kay Kim sa Ikaw Lamang, samantalang ilang beses na siyang naging bida sa mga soap opera ng Dos.

Pero para kay Julia, ang pagkakasali niya sa Ikaw Lamang ay isang malaking proyekto na hindi niya pwedeng pakawalan kahit na sina Coco at Kim ang ibebentang loveteam sa kuwento.

“For me naman po, supporting, walang term sa akin na ganu’n. Kasi for me yung role maganda talaga, sobra. Mara Clara days du’n ako galing so why not gawin ko ulit ngayon and the role na sinabi sa akin nu’ng pinitch sa akin yung story at nu’ng nalaman ko pa kung sino ang makakasama, go na talaga ako kasi ang ganda-ganda talaga ng show, ng story, ng cast,” paliwanag ni Julia sa interview ng ABS-CBN.

Sey pa ng dalaga, huwag naman daw malungkot ang kanyang mga fans kung hindi na sila ni Coco ang magkatambal sa Ikaw Lamang, tiyak na maiintindihan daw ng mga ito ang kanyang desisyon kapag umere na ang kanilang serye.

“Gaya ng sabi ko nu’ng inalok sa akin yung role, talagang wala na akong second thoughts, Sabi ko, ‘Ay gusto ko po talaga itong gawin, gawin natin yan.

Kahit anong mangyari gawin natin yan push natin ito.’ And the story kasi sobrang ganda. Parang first time for me ang ganitong tema.”

Sure kaming napanood n’yo na rin ang teaser ng Ikaw Lamang at gaya nga ng naibalita na natin nitong mga nakaraang araw, isa itong epic serye na talagang magpapaluha sa mga manonood, “Gaya nga ng mga lumalabas na caption sa mga pictures, epic love story siya.

Hindi ko alam kung pwede nang sabihin pero yung story po, lahat may meaning…na lahat ng mga manonood susubaybayan nila.”

May mensahe rin si Julia sa mga fans nila ng dati niyang ka-loveteam na si Enrique Gil, “Sa JulQuen, tulad ng lagi kong sinasabi normal lang naman na umiikot kami sa iba’t ibang artist and maliit lang naman po ang showbiz, umiikot lang yan.

Malay mo in the future after one show or two shows magkasama ulit kami so abangan na lang ulit nila. And support din personally sa amin.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending