James kawawang-kawawa na kay Kris, lagi na lang ‘Nganga’
MULA nang dumating sa Pilipinas ang mag-iinang Kris Aquino, Josh and Bimby from their Dubai trip ay meron na namang pang-front page na isyu si Kris – ang diumano’y hindi pagpapatupad ng kautusan ng korte sa pagbisita ni James Yap sa kanilang anak.
Limang buwan na raw hindi nasilayan ni James si Bimby, sa billboard, diyaryo at TV na lang daw niya nakikita ang anak, short of saying na hindi siya nabibigyan ng pagkakataong makita ang bagets.
Depensa naman ni Kris ay di raw nag-i-exert ng effort si James na madalaw ang anak – ni hindi man lang daw nito masundo sa school sa Bimby para ipasyal man lang or what. Pinalalabas ng kampo ni Kris na hindi sila ang nagkukulang kundi mismong si James.
Mahirap itong kalagayan ni James ngayon dahil it’s now his word against Kris’. Kasi nga, merong sinabi si James na minsang naka-schedule siyang susunduin ang anak sa bahay ni Kris pero nu’ng dumating daw ito roon ay wala ang anak dahil isinama raw ni Kris sa Palawan.
May feeling kaming sinasabi lang ni Kris na open siyang para sa visitation rights ni James sa bata pero sa totoong kaganapan, she makes it real difficult for him. Mahusay sa ganyang eksena si Kris. Sa BIR lang siya hindi nagsisinungaling pero sa maraming bagay ay subok na nating wala siyang isang salita.
Lalo na sa usapin ng anak niya dahil alam naman nating very possessive si Kris as far as her children is concerned. And how do you fight a presidential sister – sila ang may hawak ng batas.
Obviously, the law is in their hands. Subukan ni James na umangal at tiyak na pahihirapan ng mga Aquino ang buhay niya. Baka pati ang suot niyang briefs ay pakaltasan ng buwis kay Kim Henares. Ha-hahaha!
Kaya walang choice si James kungdi ang magsintir na lang – ang mag-iiyak na lang siguro hanggang sa dumating ang oras na mapagtripan ni Kris na luwagan ang kaniyang desisyon. Pag di niya feel na ipahiram ang bata, walang laban si James kahit magalit pa ang korte.
Subukan ng huwes na magalit kay Kris at baka ipatanggal nila ito sa puwesto. Ha-hahaha! Kung si dating Supreme Court Chief Justice Renato Corona nga ay napatanggal nila sa puwesto, ordinaryong huwes pa kaya. Ha-hahaha!
Kaya wait ka na lang James sa pagdating ng panahong mapagtripan ni Kris na ipasilip sa iyo ang anak ninyo. Pag wa niya feel, nganga ka na lang muna, OK? MALINAW?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.