Deniece pinagbantaan ni Cedric Lee kaya napilitang idiin si Vhong sa Rape Case? | Bandera

Deniece pinagbantaan ni Cedric Lee kaya napilitang idiin si Vhong sa Rape Case?

Jobert Sucaldito - February 04, 2014 - 03:00 AM


THIS self-proclaimed rape victim daw na si Deniece Cornejo must see a psychiatrist para mapayuhan sa mga pinagsasasabi niya.
Sabi kasi ni Deniece kung meron daw dapat protektahan sa isyu nila ni Vhong Navarro ay siya iyon dahil siya ang pinakabiktima sa iskandalong kinasasangkutan nila.

Biktima ng alin? Ng pagtahi-tahi ng kuwento at pagsisinungaling? Is that the way it should be?  Maaaring biktima siya ni Cedric Lee – to tell lies dahil kung hindi, baka siya ang matimbog ng kampo ni Cedric, di kaya?

For sure, she was forced to lie para maprotektahan ang pangalan ni Cedric dahil kilala raw itong taong ito as parang con-artist na matapang at talagang walang sinasanto dahil may sariling mundong ginagalawan.

Cedric is said to be very influential – very powerful kaya kaswal lang daw ito kung manampal ng tao pag ayaw niya. “Ang kuwento sa akin, minsan na raw nitong sinaktan si John Lloyd Cruz sa isang bar.

Same with Jake Cuenca. Takot daw magsalita ang dalawang aktor dahil baka balikan sila. Ibang klase raw itong si Cedric – halimbawa nakita ka raw niya sa isang bar, pag ayaw niya sa mukha o sa dating mo, pagtitripan ka.

Bigla ka na lang daw makakatikim ng sampal o anumang pananakit. That’s why he is most-feared daw sa mga gatherings,” anang source natin.

Nakakatakot naman kung totoo ang balitang ito. We’ve never heard of someone like him in our entire life. We’ve heard na idinenay na ni Jake na kilala niya si Cedric Lee at sinaktan.

Pero si John Lloyd, wala pa yatang official statement on this. Pero ang tanong lang namin, bakit hinahayaan nilang umasta na parang diyos ang mamang ito? Is he god? That’s grossly unfair! Kaya siguro hindi na pinatagal ng ating Mahal na Panginoong maghari ang ganitong uri ng mga tao sa mundo kaya kinalos na Niya.

Ginamit lang si Vhong na instrumento para masukol ang ganitong uri ng tao. Kaya lang, what a painful way for Vhong, di ba? It takes another crime (crime of kalandian for Vhong – ha-hahaha!) para turuan ng leksiyon ang isang Cedric Lee.

Ito namang si Deniece, sa napanood kong interview nito sa Startalk last Sunday, pilit pa rin ang kasinungalingan. Humihikbi to the max pero wala namang luha. And take note, siya pa ang may ganang makiusap kay Vhong na magbago na – kung kinakailangan daw niyang tulungan si Vhong na maibangon ang career nito ay gagawin niya.

Paano? Producer ba siya? Eh kung yung career nga niya ay hindi niya magawan ng paraan, paano pa niya matutulungan si Vhong?

Loka-loka nga yata ang babaeng ito. At meron pa siyang sinabi na marami na raw siyang natulungang mga kompanya, what is she talking about? Anong mga kompanya ang mga pinagsasasabi niya?

Kailangan na ng babaeng ito na magpa-check-up. She badly needs help actually. Para na siyang may sayad and after ng interbyu sa kaniya kung saan ay malungkot siya supposedly dahil sa kinasadlakang mga kaso, ngumiti pa raw.

Hay, naku! Kakaibang specie talaga ang babaeng ito. “Wala nang puwedeng paglugaran ang grupo nina Deniece and Cedric, dapat sa kanila ay ilagak agad sa kulungan.

After all, they are already disowned by the top officials na pumuprotekta sa kanila supposedly. Subukan kasi ng mga heneral at mga pulitikong may hawak sa kanila ang magprente sa pagtulong sa dalawang ito at baka buong bansa na ang mag-revolt.

Yang sina Chavit Singson, Sec. Ochoa at mga matataas na militar official, suicide sa kani-kanilang mga karera pag hayagan silang tumulong kina Cedric.

May katapusan ang lahat ng kagaguhan sa mundo and this day has come to an end for Cedric and his camp,” anang isang kakilala nating parang may alam sa mga lakad ng grupong ito.

Basta kami, maingat na kami sa pagpunta-punta sa mga condos. Bawal daw kasing pumunta ng condo ngayon na wala kang dalang foods. Ha-hahahaha!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

( Photo credit to Google )

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending