Jinkee niyaya ni Pacman na magpakasal uli sa US | Bandera

Jinkee niyaya ni Pacman na magpakasal uli sa US

- November 23, 2011 - 02:19 PM

Para patunayang siya lang ang minamahal

Usap-usapan nga rin ngayon kapatid na Ervin ang tsikang pinakiusapan daw ng mga taong malalapit kay Manny Pacquiao ang maybahay ng Pambansang Kamao para umaktong “okey” silang mag-asawa sa harap ng publiko.

Kumbaga’y mayroon diumanong sinusunod na “script” ang dalawa kapag nasa harap ng media, partikular na nga nu’ng dumating si Pacman sa bansa mula sa Amerika.

Nakakaloka ang tsismis na ito lalo pa’t hindi pa rin talaga nagsasalita si Jinkee simula nang masangkot sa panibagong “kontrobersya” na may kinalaman sa ibang babae ang kanyang asawa, hanggang sa makipagbakbakan na ito kay  Marquez at hanggang ngayon ngang bumalik na sila sa bansa.

Marami raw kasing nakasalalay na mga isyu sa kanilang endorsements, imahe at iba pang kaugnay na bagay ang dapat na isaalang-alang ng pamilya Pacquiao kaya yung hindi pa nila napag-uusapang problema ay isasantabi muna.

May lumabas pa ngang tsika na diumano’y sinuyo talaga ng bonggang-bongga ni Manny ang asawa at dumating pa sa point na muli itong niyaya si Jinkee na magpakasal uli sa Las Vegas? Pero hindi daw ito tinanggap ng kanyang misis.

May tsika namang pinagbibigyan lang ni Jinkee ang asawa dahil gusto pa rin nitong ipakita sa sambayanan lalo na sa mga magtatangka pa raw na ma-link sa kanyang asawa na siya pa rin ang legal wife, at ang tanging mga anak niya ang higit na may karapatang matawag na mga anak ni Pacman.

Nakakabaliw ang mga opinyon hinggil sa personal na bahagi ng buhay ni Pacman kaya siguro yung angas nito para sabihing walang dugong Pinoy o hindi Pinoy ang mga nagsasabing hindi siya nanalo sa laban nila ni Marquez ay buong giting na nasasabi ng Pambansang Kamao. May ganu’n!?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending