Laro Ngayon
(Mall of Asia Arena)
5 p.m. Barangay Ginebra vs San Mig Coffee
MATAPOS na tambakan ang kalaban sa Game Two, hindi tatantanan ng Baranga Ginebra San Miguel ang San Mig Coffee at sa halip ay raratsada pa rin nang todo sa Game Three ng PLDT myDSL PBA Philipine Cup semifinals series mamayang alas-5 ng hapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Hindi nagpakita ng awa at dinurog ng Gin Kings ang Mixers sa Game Two, 93-64, noong Biyernes upang itabla ang serye, 1-all. Naungusan ng San Mig Coffee ang Barangay Ginebra, 85-83, sa Game One nang kumulapso ang kalaban sa huling 32 segundo.
“After that loss, I simply told the boys na bumawi kami sa Game Two. Won game na iyon pero kami ang nagkamali. Make up na lang. I knew we can win,” ani Barangay Gnebra coach Renato Agustin.
At matinding panalo nga ang itinala nila. Pinangunahan ni Gregory Slaughter ang magandang simula ng Gin Kings at hindi siya napigilan.
“Post action ang naging adjustment namin. And Slaughter responded well,” ani Agustin na nagulat din nang maliit na starting unit ang ginamit ni San Mig coach Tim Cone.
Sa Game One ay malaking frontline ang ginamit agad ni Cone nang pagsabayin sina Joe Devance, Marc Pingris at Yancy de Ocampo.
Pero sa Game Two ay nag-adjust si Cone at ginamit na starters ag maliliit na sina James Yap, Peter June Simon at Mark Barroca.
Dahil dito ay nadomina agad ng Gin Kings ang laro.
“We were ready for their bigs. Nagulat nga ako nang maliit ang naging starters niya. That was good for us,” sabi ni Agustin.
Si Slaughter ay nagtapos na may 21 puntos at 12 rebounds.
Nanaig din ang Gin Kings sa labanan ng rebounds, 55-32. Bukod dito ay mas maraming assists ang Barangay Ginebra, 25-14.
Samantala, hindi na hinayaan ng Petron Blaze na makabangon pang muli ang Rain or Shine mula sa malaking kalamangan matapos durugin ng Boosters ang Elasto Painters, 106-73, sa Game Three ng kanilang best-of-seven semis series kahapon sa Mall of Asia Arena.
Si Arwind Santos, na tinanghal na Best Player of the Game, ay nagtala ng 22 puntos at 18 rebounds para pangunahan ang Boosters.
( Photo credit to INS )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.