Vhong araw-araw nasa panganib, bantay-sarado sa ospital | Bandera

Vhong araw-araw nasa panganib, bantay-sarado sa ospital

Cristy Fermin - February 02, 2014 - 03:00 AM


Maraming usisero ngayon sa ospital kung saan nagpapagaling si Vhong Navarro. Kuwento ng aming kaibigang nagtatrabaho du’n ay mistulang studio ang ospital ngayon dahil sa dami ng mga artistang dumadalaw sa nabugbog-saradong actor-dancer-TV host.

“Lalo na kapag gabi, punumpuno ng bisita ang hospital room ni Vhong, ang dami-dami palang nagmamahal sa kanya. Mula umaga hanggang gabi ang dating ng mga bumibisita sa kanya, kaya ang dami-daming nakikitang artista du’n ngayon,” kuwento ng aming source.

May impormasyon ding nakarating sa amin na binabantayan nang husto ngayon ng mga otoridad ang kuwarto ni Vhong, meron din daw kasing nakararating na impormasyon sa mga ito na may mga nagtatangkang rumesbak sa aktor, kaya maraming nangangalaga sa kanyang seguridad.

Kung kami naman ang hihingan ng opinyon tungkol du’n ay mukhang malabo ang senaryo, hindi pa ngayon mangyayari ang kinatatakutan ng mga nagmamahal kay Vhong, masyado pang sariwa ang kaganapan.

Walang masama sa pag-iingat, du’n nga kinapos si Vhong kaya nagkaroon ng ganitong iskandalo sa buhay niya, pero kung tiyempo ang pag-uusapan ay hindi pa ngayon ang panahong dapat ikabahala ng kanyang kampo.

Nakatutok pa sa iskandalo ang mata ng publiko, meron nang namamahala sa mga kasong isinampa niya laban kina Cedric Lee at Deniece Cornejo, wala pang dapat pangambahan ang mga nagmamalasakit kay Vhong.

Matatagalan pa ‘yun kung totoo man, kailangan pa munang lumamig ang sitwasyon, dahil naninindigan din ang kabilang kampo na meron silang ipinaglalaban.

Ang mahalaga ngayon ay ang makabawi na nang pisikal si Vhong Navarro para maasikaso na niya ang pagusad ng pagdinig ng kaso, pati ang kanyang karera, at para guminhawa na ang kanyang kalooban.

( Photo credit to Google )

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending