NAKARMA si Cedric Lee dahil sa kanyang pagiging bayolente, sabi ng kanyang kaibigan na ayaw magpakilala.
Si Cedric ay isang negosyanteng Tsinoy na may koneksiyon sa matataas na opisyal na bumugbog sa actor/host na si Vhong
Navarro kasama ang kanyang mga bodyguards.
Mainitin ang ulo ni Cedric. Binugbog niya at ng kanyang mga alipores ang Fil-Am hunk athlete na si David Bunevacz na, dahil sa takot, ay nagmamadaling bumalik sa America.
Sinabi ng kaibigan ni Cedric na magaan ang kamay ng negosyante kahit na sa kanyang asawa at mga tsitsing na ang iba ay artista.
Iniwan siya ng kanyang mga tsitsing dahil binugbog niya sila, sabi ng kaibigan ni Cedric.
“Kaya napilitan, Mon, si Deniece na sundin ang utos ni Cedric na i-entrap si Vhong dahil natatakot siya na bugbugin siya ni Cedric,” dagdag pa ng kanyang kaibigan.
Si Deniece Cornejo, isang commercial model at tsitsing ni Cedric, ay nagpahayag na ginahasa siya ni Vhong sa kanyang unit sa Forbeswood Heights Condominium sa Bonifacio Global City sa Taguig.
Sinabi ni Deniece na tinawagan niya si Cedric na kanyang “kaibigan” matapos siyang lapastanganin ni Vhong.
Pero iba ang bersiyon ng National Bureau of Investigation (NBI): Hindi na-rape si Deniece.
Nagselos lang daw si Cedric kay Vhong at gumawa ng patibong sa actor-TV host at ginawang unwilling conspirator si Deniece, sabi ng NBI.
Ang palitan ng text messages sa pagitan ni Vhong at Deniece ang nagpapasinungaling sa sinasabi ni Deniece na siya’y ginahasa ng actor-TV host.
Nag-oral sex sina Vhong at Deniece sa condo unit na nilagyan ng mga nakatagong camera ni Cedric.
Ang malinaw na may nangyari sa dalawa ay ang malanding text ni Deniece kay Vhong: “Bad boy ka, bad boy ka!”
At ang sagot naman ni Vhong ay, “Babawi na lang ako sa susunod.”
Sinabi ni Vhong sa mga imbestigador na walang nangyaring sexual intercourse sa pagitan nila ni Deniece pero malapit na roon.
Ibig sabihin, sabi ng aking source sa NBI, nag-oral sex sina Vhong at Deniece at “nabitin si Deniece” kaya’t nagpadala ng ganoong text message.
Nakita ni Cedric ang nangyari sa dalawa at galit na galit ito.
Ang batas ng karma or the law of cause and effect ay hindi pumapaltos sa paggawad ng hustisya.
Kung anong tinanim ay siyang aanihin.
Nalampasan na si Cedric ng Sanlibutan sa kanyang pagiging bayolente.
Siya at ang kanyang mga kasamahan, at maging si Deniece, ay kumakaharap ng mga kasong serious physical injuries at serious illegal detention na walang piyansa.
Kahit na ang kanyang mga kontrata sa gobyerno ay inuusisa na rin at ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ay naghahabol na rin sa kanya.
Alam kaya ni Pangulong Noy ang tungkol sa karma, o hindi siya naniniwala sa karma?
Kung alam ni P-Noy ito, dapat ay tantanan na niya si dating Chief Justice Renato Corona na ngayon ay basang sisiw na matapos itong mapatalsik dahil sa impeachment.
Ang may pakana sa impeachment ni Corona ay si PNoy.
May mga kaso si Corona sa Office of the Ombudsman at si Ombudsman Conchita Morales-Carpio, ay “tao” ni PNoy, ay naghain ng forfeiture proceedings to recover for the state ang kayamanan ni Corona.
Sa isang bansang sibilisado, kung ang tao ay nagkabulagta na, iniiwan na ito ng kanyang mga kaaway o kaya ay tinutulungang tumindig.
Dapat malaman ni P-Noy na baka sapitin niya ang ginagawa niya ngayon kay Corona at kay dating Pangulong Gloria.
Kung ano ang ginawa mo sa kapwa mo ay gagawin din sa iyo, ayon sa batas ng karma.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.