Vhong iyak pa rin nang iyak; suportado ng mga taga-showbiz
Hindi natin maiaalis na kapag may isang personalidad na nalalagay sa ala-nganin at nasasadlak sa matindihang laban ay nababasag ang professional rivalry ng mga artista.
Kahit pa sabihing direkta silang magkalaban bilang artista ay nawawala ‘yun, siguradong kakampi pa rin ang kabalan sa artistang nalalagay sa indulto, katulad ni Vhong Navarro ngayon.
Nagkakaisa ang mga artista, lahat sila’y sumusuporta sa kanilang kasamahan, du’n mo mapatutunayan kung gaano katindi ang samahan ng mga personalidad na kung tutuusi’y magkakalaban pa nga sa trabaho.
Sa naganap na pambubugbog nang walang kalaban-laban kay Vhong Navarro ay nakikisimpatya ang kanyang mga kapwa artista, nagsasalita sila, kumokontra sa naganap na pananakit sa kanya.
Kalat ang kanilang mga emosyon sa FB, sa Twitter at sa iba pang mga paraan sa social media, tapos na ang panahon na nananahimik ang mga personalidad sa mga ganitong senaryo.
‘Yun ang nagpapaluha ngayon kay Vhong, higit sa sakit na nararamdaman niya dahil sa inabot niyang pagkabugbog ay ang pagdamay-pakikisimpatya sa kanya ng mga taga-showbiz ang iniiyakan niya ngayon, nakararating sa kanya ang mga nangyayari.
Kuwento ng isang aktor na dumalaw kay Vhong, “Para siyang panda. Napakalaki ng hematoma niya sa mukha, itim na itim. Nakakaawa si Vhong, nabugbog siya nang walang kalaban-laban.”
Namimitas lang si Vhong ng bunga ng pakikisamang ipinuhunan niya, wala kasing angas ang aktor na ito, mahusay siyang makisama at walang kayabang-yabang.
Tatlong linggo naming nakasama sa Canada si Vhong Navarro, at sa loob nang mahabang panahong ‘yun ay nabigyan kami ng pagkakataong makilala siya nang malaliman, nakasayad pa rin sa lupa ang magkabilang paa ni Vhong sa kabila ng kanyang katanyagan.
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.