Babala kay Vhong: Mamalasin pag humingi ng tulong kay Kris
SI Vhong Navarro pa rin ang man of the hour dala ng kinasasangkutan nitong kontrobersiya – napakaraming nagri-revolt ang kalooban laban sa nakabanggaan nitong sina Cedric Lee and Deniece Cornejo who has finally charged him of rape sa Taguig Hall of Justice.
“Naku, kapal ng mukha ng babaeng iyan, hindi na sila nag-isip ng mga lawyers niya. Paano magkaka-merit ang kaso niya laban kay Vhong eh, it has been a national issue na wala naman talagang rape na naganap – not even an attempt,” sabi sa amin ng isang kausap namin kahapon na may alam sa batas.
“And if ever na mag-prosper ang kaso niya, ang kababagsakan lang talaga niyan ay acts of lasciviousness na napakadaling lusutan. Malabo ang kasong iyan, diretsong madi-dismiss iyan kahit sabihin pa nilang mahusay ang lawyer nila.
Counter-charge naman yung kanila – pang-abala lang talaga.”Samantalang grabe ang bigat ng kaso na isinampa ng lawyers ni Vhong sa kanila and most of them ay unbailable pa. Makukulong talaga diyan si Cedric.
The fact na itinanggi na siya ng mga heneral na mga kasosyo niya sa mga negosyo.”Nobody wants to lift a finger dahil nakuha na ni Vhong ang simpatiya ng buong bansa, saan pa sila lulugar?
Suicide ang gaga-win nila pag kumampi sila kay Cedric,” patuloy ng aming nakachikahan.May nagsasabi namang dapat daw lumapit si Vhong sa kaibigang si Kris Aquino who just came in from Dubai with her children.
“Bakit kailangan niyang lumapit kay Kris? No need! The more na mapapasama lang siya pag lumapit pa siya kay Kris, baka isipin pa ng mga tao na siya ang may kasalanan at kailangang magpasaklolo sa pangulo.
“No need! Okay na siya, okay na ang kakampi niya ang taumbayan. Baka lalo lang magalit sa kaniya ang mga kababayan natin dahil maraming galit ngayon kay P-Noy after what happened sa Leyte, di ba, because of super typhoon Yolanda,” ang may sense na sambit ng friend namin.
Tama naman siya, di ba? Kung saan man patutungo ang mga kaso nila sa isa’t isa, manood na lang tayo, OK?
( Photo credit to Google )
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.