Makulay na pag-ibig para sa Rooster, Dog; banner year para sa Boar | Bandera

Makulay na pag-ibig para sa Rooster, Dog; banner year para sa Boar

Leifbilly Begas - January 30, 2014 - 01:38 PM

Ni Leifbilly Begas NARITO na ang ika-apat na bahagi ng serye. Bahagi ng kulturang naampon ng mga Pinoy mula sa mga Chinese ay ang pagtingin sa kapalaran o Horoscope.           Mayroong mga naniniwala, bagamat hindi lahat, sa kapalarang naghihintay at ginagamit na gabay upang maging masuwerte sa buhay, partikular sa negosyo at trabaho, love life, pamilya at iba’t ibang aspeto ng buhay.           Ang Chinese year o Shēngxiào (Chinese: 生肖) ay ang sistematikong pagpaplano ng hinaharap na iniuugnay sa mga hayop at mga karakter nito.         Narito na ang ika-apat na bahagi.  Ang forecast ni Master Hanz Cua sa mga taong isinilang sa taon ng Rooster, Dog at Boar.   ROOSTER (1909, 1921, 1933, 1945, 1957, 1969, 1981, 1993, 2005, 2017)             Magiging mapalad at masuwerte naman ang mga ipinanganak sa Year of the Rooster ngayong 2014.  Ang taon na ito ay magiging makulay sa mga Rooster people, especially sa usapin ng pag-ibig o pakikipag-relasyon. MONEY/ CAREER             Gaganda rin ang pakikisalamuha ng Rooster people sa kanyang mga katrabaho pero dapat ding tumulong sa iba. May mga oportunidad para sa karagdagang assignments na ikinalaunan ay magiging mabunga.             Bubuhos ang suwerte sa Hunyo pero dapat mag-ingat sa mga kaibigan upang hindi makasuhan.  Hindi dapat maging sakim o madamot.  Iwasan din ang pagyayabang at baka takasan ng swerte. HEALTH             Pinag-iingat naman, lalo na ang mga matatanda, na mahulog.  Bantayan ang kalusugan, kumain ng maayos at sapat na tulog ang kailangan. LOVE LIFE Gaya nang nasabi na, magiging makulay ang buhay pag-ibig ng Rooster people. Ito ang best year ng mga Rooster para magpakasal.   DOG (1910,1922,1934,1946,1958,1970,1982,1994,2006, 2018)             Magiging maganda ang 2014 para sa mga ipinanganak sa Year of the Dog. Isa sa magandang mangyayari sa mga Dog people ngayon ay ang maigi o maayos na pakikisalamuha sa kapwa. Kayat may dalai tong suwerte sa career at buhay pag-ibig MONEY/ CAREER             Ngayong taon ay marami ring darating na pagkilala.  May tsansang maging popular. Tama rin ang panahon upang palawigin ang negosyo at umangat ang career. Pero dapat mag-ingat sa mga traydor na business partner.  Kilalanin ang bawat kasama o makakasama. HEALTH             Maaari rin silang maging masasakitin ngayong taon lalo na sa buwan ng Abril. Kailangan ng ibayong pag-iingat at pagpapahinga.  Ingat sa pagbibiyahe. LOVE LIFE Upang mapanatili namang maganda ang relasyon sa asawa, dapat ay lumayo-layo sa alak. Sa mga babaeng Dog, magkakaroon ng mas mahabang oras sa mister ngayong taon. Sa mga single, may oportunidad na makatagpo ng bagong relasyon. BOAR (1911, 1923, 1935, 1947, 1959, 1971, 1983, 1995, 2007, 2019)               Kung ang 2013 ay hindi naging maganda para sa mga Year of the Boar, mas magiging maganda naman ang 2014 para sa kanila.             Meron silang Wisdom star at Career star ngayong taon.             Pinagiingat sila sa tsismis at mga hindi totoong kaibigan na magtataksil sa kanila. MONEY/ CAREER             Maganda ang taon para mag-impok at magnegosyo. Pero kailangang maghinay-hinay sa paggastos.             Posible ring maging maganda ang career ng mga Boar person ngayong taon. Busy ang taon na ito sa mga Boar people, at ibig sabihin nito ay kailangan ng maraming enerhiya at brain power. Pwedeng tumaas ang suweldo.             Wag mag-damot, magbigay sa charity. HEALTH             Pinag-iingat din sila sa heart at stomach diseases lalo na bago matapos ang taon. Kung pagod, magpahinga nang maayos. Kung may nararamdaman, isangguni na kaagad sa doctor. LOVE LIFE             Ang mga babaeng boar ay mayroong suwerte upang makapagpakasal na. Dapat namang maging positibo ang pananaw ng mga lalaking boar at pag-aralang mabuti ang kanilang emosyon.             Maganda rin ang taon na ito sa mga may-asawa o kapareha, maliban lamang sa mga may ikalawang relasyon dahil malaking problema ang idudulot nito.                                                                                      (Abangan bukas:  Mga iba’t  iba pang forecast ni Master Hanz sa politika at ekonomiya sa loob at labas ng bansa)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending