Ayon kay Master Hanz Cua: Horse makulay ang love life; Sheep may tsansa sa lotto; Monkey, may panganib
BAHAGI ng kulturang naampon ng mga Pinoy mula sa mga Chinese ay ang pagtingin sa kapalaran o Horoscope. Mayroong mga naniniwala, bagamat hindi lahat, sa kapalarang naghihintay at ginagamit na gabay upang maging masuwerte sa buhay, partikular sa negosyo at trabaho, love life, pamilya at iba’t ibang aspeto ng buhay.
Ang Chinese year o Shēngxiào (Chinese: 生肖) ay ang sistematikong pagpaplano ng hinaharap na iniuugnay sa mga hayop at mga karakter nito. Sa ikatlong bahagi ng seryeng ito, kinapanayam ng Bandera si Master Hanz Cua upang malaman ang kapalarang naghihintay sa mga tao na isinilang sa ilalim ng iba’t ibang signs ngayong 2014, ang taon ng Wood Horse. HORSE Exciting pero walang dalang suwerte ang Year of the Horse sa mga Horse people ngayong 2014. Kaya kailangan nilang maging mapagkumbaba at maghinay-hinay sa bibitawang salita dahil ito ang magdadala sa kanila sa kapahamakan. Hindi rin siya dapat nagmamadali sa mga gawain at pagdedesisyon. Maaaring ma-involve sa social work. MONEY/ CAREER Mayroon ding butas ang kanyang wealth luck kaya dapat maging metikuloso sa paggastos. Pinag-iingat din siya sa investment na papasukin. Kung hindi maganda ang pasok ng taon, mas magiging maganda naman ito bago matapos ang 2014. Kung magaling sa paghawak ng pananalapi, maaaring maging maganda ang taong ito para sa mga “good deals” dala na talino at kumpiyansa. HEALTH Pinag-iingat ang mga Horse person upang hindi maaksidente sa kalye. Makabubuti rin kung sasailalim sila sa regular checkup. Ingatan ang iyong baga. LOVE LIFE Paborable ang taong ito sa Horse pagdating sa buhay pag-ibig. Magiging makulay ang love life ng Horse person na maaaring masira dahil sa tsismis. Bago magsagawa ng malalaking desisyon o gawain, pag-aralan muna itong mabuti. SHEEP Hindi magiging maganda ang pagpasok ng taon para sa mga ipinanganak sa Year of the Sheep. Pero sa taglay mong lucky charm, maaaring may mga oportunidad na pagpipilian. MONEY/ CAREER Mataas ang tyansa na manalo ng lotto o kaya ay kumita sa negosyo. Dapat maging maayos ang kanyang pakikitungo sa iba na magbibigay o magdadala ng suwerte sa kanyang career. Maganda rin kung mag-iimpok sa bangko. Dahil matyaga sa trabaho, maaaring anihin ang sipag at tiyang ipinunla. Maaring may promotion na matangga. HEALTH Kinakailangang palakasin ang immue system. Uminom ng vitamins at supplements para mapanatiling healthy ang katawan, posible kasing dapuan ng respiratory illness. Alalahanin din na ang stressful lifestyle ang magdulot ng karamdaman. Ingatan ang iyong likod at itaas na bahagi ng katawan. LOVE LIFE Magiging makulay ang sex life ng Sheep person pero baka ito rin ang pagmulan ng malas niya kapag nabuntis o may nabuntis na iba. Sa huling kalahati ng taon ay maaaring maging madalas ang pakikipag-away sa kapareha. Sa mga single, maaaring makilala ang kanilang love partner sa mga panahong ito. Gayunman, maaaring hindi ito magtagal. MONKEY May panganib na naghihintay sa Monkey person ngayong 2014 kaya kailangan ang ibayong pag-iingat. Ang year of the Horse ay nangangailangn ng iyong concern. Huwag dedmahin ang maliliit na isyu dahil posible itong lumaki. MONEY/ CAREER Hindi maganda ang taon para sa career ng mga ipinanganak sa Year of the Monkey kaya kakailanganin nila ang suporta ng ibang tao. Ang pagiging matigas ng ulo ay mauuwi sa hindi magandang pangyayari. May suwerteng darating sa Setyembre pero malaking malas naman sa Nobyembre.Pinag-iingat sila sa paglalagay ng pera sa negosyo o maglagak ng pera sa malakihang investment. Kailangan din nilang maglalalayo sa mga matutulis na bagay lalo na sa buwan ng Agosto. HEALTH Maghinay-hinay din sa pagkain ng mamantika at masebong pagkain. Ipinapayo na magkaroon o panatilihin ang healthy na lifestyle o pamumuhay upang maging ligtas sa karamdaman. LOVE LIFE Kung gusto naman na magkaroon ng relasyon ang mga single, pinakamalakas ang kanilang romantic luck sa Hunyo. Kailangan din ng mga single na ayusin o ibalik ang kanilang mga nawalang alindog. Romantic naman at tila walang gusot na love life ang tataglayin ng mga Monkey na may mga kapareha na. (Abangan bukas: Ang kapalaran ng mg taong isinilang sa taon ng Rooster, Dog at Pig)Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending